Nagmahal, nagtiwala, naloko, nasaktan | Bandera

Nagmahal, nagtiwala, naloko, nasaktan

Beth Viaje - July 31, 2019 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Ako po si Analissa from Cotabato City, at 17 years old.
May ikokonsulta lang po ako ateng bago ako magdesisyon tungkol sa karelasyon ko ngayon.
May isang lalaki na nagpatibok po ng puso ko. Nagpakita po siya na seryoso siya sa akin, at sineryoso ko naman siya.
At sa totoo lang po, napaligaya naman po niya ako dahil lahat ay ginagawa niya para mapasaya ako. Mahal na mahal ko po ang BF ko kaya lang niloko niya ako.
Minsan po ay nag-text siya sa akin na may sakit siya, dali-dali naman akong nagpunta sa bahay nila at doon ko nalaman na wala siyang sakit.
Sa madaling salita, may nangyari po sa amin doon sa kanilang bahay. Nadala po ako ng tukso. Nakuha niya ang pagkabirhen ko. Ang masakit po, matapos may mangyari sa amin ay nakipag-break siya at hindi na nagparamdam.
Ano po ba ang dapat kong gawin. Ang sakit po ng ginawa niya sa akin. Need ko po ang advice ninyo. Salamat po.

Maraming salamat Analissa sa pagbahagi mo sa amin ng iyong karanasan sa walang kakwenta-kwentang tao na naging BF mo.
Ganito na lang, forgive yourself for trusting him that much, then learn from that mistake para di na mangyari muli ang ganyang pangloloko.
Look at the bright side, at least nalaman mo agad na agad na hindi pala siya tunay na tapat at totoo. Hindi yung bumilang ka ng taon bago mo pa nalaman na hindi dapat pagkatiwalaan ang gaya niya. Ika nga, you’ve cut your loses early on.
Isipin mo kung pinasakay ka niya nang pinasakay sa mahabang panahon at lolokohin lang din pala sa huli, hindi ba mas grabe ang sakit noon?
Sabihin na ngang natukso ka at napaglaanan mo siya ng iyong virginity, e ano naman? Nagkamali ka. What is done is done.
To get over this ay mag-move forward ka na. Parte ng buhay ang pagkakamali dahil ito ang nagtuturo sa atin na maging mas matalino at mas matibay. You deserve a much better guy. Huwag mo na s’yang pag-aksayahan ng luha.

May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending