Diversionary tactic nga ba? | Bandera

Diversionary tactic nga ba?

Leifbilly Begas - July 31, 2019 - 12:15 AM

Diversionary tactic nga ba?
HINDI na lang daw Endo ang pinoproblema ngayon ng isang miron. Pinoproblema na rin nya kung papaano yayaman.
Alam niya na walang pag-asang yumaman ang isang ordinaryong empleyado na sweldo lang ang inaasahan at pinagkakasya sa mga pangangailangan. Yung mga regular na kawani ay hindi nga daw yumayaman (minimum wage lang naman), eh di lalong walang kapag-a-pag-asa ang mga kontrakwal na wala ng ibang ipinagdarasal kundi ang ma-renew ang kontrata sa trabaho o kaya ay ma-regular.
Umaasa sila na magiging regular na kaya lang na-veto ang panukalang ipinasa ng Senado at Kamara de Representantes. Hindi pinirmahan ng Pangulo kaya parang lobo umanong pumutok ang kanilang pangarap na ma-regular.
May humirit pa, napangakuan na nga daw kasi gusto tuparin pa.
May nagsabi naman na aaaring hindi natin alam ang pinanggalingan ng desisyon ng Pangulo kaya huwag tayo magpadalos-dalos ng paghusga sa pangulo.
Hirit naman ng isa pa, eh bakit kasi ipinangako na tutuldukan ang endo. Ilang beses na ipinangako at may pagkakataon pa na nagbanta ang Pangulo na ipapapatay ang mga hindi nagreregular ng empleyado.
Hindi naman daw nila sisingilin ang Pangulo kung hindi ito nangako. Ang problema daw hindi naman pala kaya ipinangako pa. Paasa tuloy ang dating.
Kung lumabas daw ito bago ang eleksyon noong Mayo, malamang ay nag-iba ang resulta ng halalan.
Hay sa softdrink na lang seguradong may regular.
***
Matapos lumabas ang hindi magandang sinapit ng endo bill, nagsalita ang Pangulo– tigil ang lahat ng legal na sugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
May mga tumaas ang kilay, ano daw ba ito diversionary tactic. Pantabon daw sa isyu ng endo.
Bakit daw ipinasara muna ang mga gambling activities bago pina-imbestigahan. Parang dapat pina-imbestigahan muna at kung mapapatunayan ang korupsyon ay tsaka ipasara.
Kung pantakip man sa endo na napako o hindi, ang alam ng nagpapataya mawawalan sila ng kita.
Hindi na nga daw sila mabibiyayaan kung naging batas man ang endo, nawalan pa ang kanilang maliit na kita.
Hindi lang naman kasi may-ari ng lotto outlet ang kumikita, mayroong mga nagbabahay-bahay para magpataya ng lotto. Kung ang jueteng may nagbabahay-bahay para magpataya, sa mga liblib na lugar ganito rin ang kalakaran ng lotto.
Kesa nga naman lumabas pa yung mga gustong tumaya ng kanilang bahay at maglakad ng malayo o gumastos ng pamasahe o gasolina, makiki-pataya na lang sila. Pinapatungan ng nagpapataya ng dos o piso kada anim na numerong kombinasyon ng lotto at ito ang kanyang porsyento.
Mula sa barya-barya ay nakakabuo ng pambili ng bigas, noodles at sardinas na pwede na kesa kumakalam ang sikmura.
***
Nangangamba rin ang mga pasyente na umaasa sa PCSO. Hindi na ba matutuloy ang kanilang chemo. Kung noon kasi na araw-araw ang bola ng lotto ay limitado ang tulong na naibibigay sa kanila, paano na ngayon na hinto na ang bola. Katapusan na daw ba nila?
Kahit naman ang PNP ay tatamaan din sa desisyon ng Pangulo. Noong nakaraang taon mahigit sa P200 milyon ang natanggap ng PNP mula sa kita ng Small Town Lottery. Noong 2017 halos P200 milyon. Ngayong sarado na rin ang STL, eh di bokya na rin sila. Baka naman sa jueteng sila bumaling ngayon ng dagdag na kita?
Pero may mga pulis na parang natuwa pa ng malaman na sarado na ang STL, lalakas na kasi ulit ang jueteng. Yung pera mula sa STL may auditing, yung sa jueteng deretso sa bulsa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending