Hamon kay COCO: Ilabas ang passport para patunayang walang asawang CANADIAN | Bandera

Hamon kay COCO: Ilabas ang passport para patunayang walang asawang CANADIAN

Jobert Sucaldito - July 23, 2013 - 03:00 AM

UMIINIT ang isyu regarding the real marital status ng kaibigan nating si Coco Martin na nakasaad sa kaniyang passport. Married na raw siya sa isang Canadian national pero ito’y mahigpit na pinabubulaanan ni Coco.

Hindi raw ito totoo. “Niri-reverse pa niya ang mga reporters. May nabasa ako sa isang tabloid na sinasabi ni Coco na matagal-tagal na raw siyang hindi bumibiyahe at baka nalito lang daw ang nagsasabing married na siya.

Hindi naman daw siya umaalis ng bansa. “Totoo namang nag-asawa siya ng isang Canadian noong hindi pa siya sikat. Remember nu’ng nagtrabaho siya roon long time ago.

Inamin naman niya dati na nagtrabaho siya sa Canada, di ba? Nag-janitor pa nga raw siya doon. Talagang hirap na hirap daw siya nu’ng mga panahong iyon.

“That was the time na nag-asawa siya ng Canadian. Kung hindi ito totoo, simple lang naman ang pinakamagandang gawin niya, ipakita niya ang passport niya sa press para magkalinawan, di ba? Huwag yung nanlilito siya ng mga writers.

“Anong matagal na siyang hindi bumibiyahe? Yung huli yata niya ay nu’ng pumunta siya sa Europe para mamili ng mga furniture para sa ipinagawa niyang bonggang bahay sa Quezon City, ‘no! Huwag nga siyang magsinungaling.

Mukha lang siyang mabait pero sa totoong buhay, echoserang frog din siya, ‘no!” ang may bahid ng pagkabuwisit na sabi ng ating source.

“Eh, ano naman ngayon kung halimbawa mang totoong nagpakasal nga si Coco sa isang Canadian? Baka fixed marriage lang iyon para mas madali siyang makahanap ng trabaho nu’ng pumunta siya sa Canada? Hindi na naman bagets pa si Coco.

Di ba’t may anak na naman siya kaya no big deal kung married na ang status niya sa passport niya,” depensa naman ng isang fan ng aktor.

“Sinungaling at iresponsableng ama daw ‘yan? Tulad niyan, nagpapa-impress pa siyang tumutulong sa mga kabataan, sa mga estudyante ng ilang schools na pinupuntahan kuno niya.

Pinapalabas nilang napakabuti niyang tao, na matulungin sa mga bata pero ang sarili niyang anak ay hindi man lang niya mabigyan ng konting sentimo.

Alam mo bang na-confine ang anak niya sa National Children’s Hospital pero dedma siya?  “Umaapaw na ang salapi niya kahit sabihin pang may problema sila ni Katherine Luna na ina ng anak nila, dapat labas ang bata roon.

Imagine, na-confine ang anak mo sa hospital pero hindi mo man lang nasilip o natulungan? Kaloka! Sige nga, we want to hear him speak,” talak pa ng katsikahan namin.

Nagulat ako. Ayoko na munang mag-comment. Gusto ko munang marinig ang boses ni Coco about this? Kindly clear this issue, kasi nga, pangalan mo na ang at stake dito.

Ayokong maniwala sa kuwentong ito. Pero kung totoong na-confine nga ang anak mo at di mo man lamang natulungan, kami man ay labis na malulungkot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang pahinang ito sa side ni Coco. Love namin ang mamang ito kaya dapat lang ding makuha natin ang side niya. For whatever reasons he has, we’d like to listen.

( Photo credit to google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending