Jennylyn, Dennis naki-jam sa mga blind singer sa LRT | Bandera

Jennylyn, Dennis naki-jam sa mga blind singer sa LRT

Jun Nardo |July 31,2019
facebook
share this

Jennylyn, Dennis naki-jam sa mga blind singer sa LRT

Jun Nardo - July 31, 2019 - 01:00 AM

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

Dadalhin nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang “CoLove” project sa YouTube sa isang concert stage.

Hit na hit sa YT ang collaboration ng magdyowa para sa kantang “After All” kaya ayon kay Jen, abangan ng kanilang fans ang unang pagsasama nila ng boyfriend sa isang bonggang concert. Wala pa siyang karagdagang detalyeng inilabas tungkol dito.

Nitong nakaraang mga araw, ibinida rin ng dalawa ang collaboration nila sa LRT-1 Roosevelt Station nang maki-jam sila sa mga bulag na singers na regular na nagpi-perform sa nasabing istasyon.

Balita namin, ‘yung donasyon na natanggap nila mula sa nga pasahero ng LRT ay ibinigay nila lahat sa mga “blind singers” na naroon. Nag-trending din ang kanilang video na ipinost ng mga nakapanood sa kanila sa social media.

Regular pa ring napapanood si Jen sa reality artista search na StarStruck at sa primetime series na Love You Two na balita namin ay hanggang September pa ang telecast dahil sa patuloy na pagtaas ng rating nito.

Si Dennis naman, mapapanood muna sa Regal movie na “Mina Anud” bago sumalang sa bagong pelikula niya kasama sina Beauty Gonzalez at Raymond Bagatsing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending