8 Kapamilya stars endorser na may ‘kabuhayan’ showcase pa | Bandera

8 Kapamilya stars endorser na may ‘kabuhayan’ showcase pa

Bandera - July 31, 2019 - 12:15 AM

MATT EVANS, KITKAT, EJAY FALCON, JANE OINEZA, CARLO AQUINO, RIA ATAYDE, RYLE SANTIAGO AT ALEX CASTRO

Habang papalapit na ang countdown para sa 10th anniversary ng Beautéderm, ipinakilala na ang unang batch ng young celebrity ambassadors na mula sa Star Magic ng ABS-CBN. Bukod nga kay Ria, nandiyan din sina Carlo Aquino, Matt Evans, Ejay Falcon, Alex Castro, Hashtag Ryle Santiago, Jane Oineza at Kitkat.

Itinatag ni Rhea ang Beautéderm noong 2009 at bilang isa sa mga pangunahing lider ngayon sa beauty and wellness industry, pinahahalagahan ng kumpanya ang kaligtasan at pagiging epektibo sa mga FDA Notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na ginawa upang makapagbigay ng mabilis at pinakaepektibong long-term at sustainable na resulta.

Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautéderm ay kinabibilangan ng Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie Home na kinabibilangan ng koleksyon ng soy candles at room sprays; ang perfume collection nito na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba – na lahat ay pawang top-selling na mga produkto sa merkado ngayon.

In fairness, mahigit isang libo na ang resellers ang Beautederm sa Pilipinas at sa ibang bansa at nasa 40 na rin ang kanilang brand ambassadors kabilang na sina Marian Rivera, Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez.

Sina Carlo, Matt, Ejay, Alex, Jane at Ria ay brand ambassadors ng amazing line of products sa ilalim ng Beautéderm habang si Kitkat naman ay para sa Slender Sips ng RD Healthy Living, na sister company ng Beautéderm. At lahat sila ay bibigyan din ni Rhea ng pangkabuhayan showcase bilang panimula sa pagnenegosyo.

“Nag-uumapaw sa kaligayahan ang aking puso dahil lumalaki na ang pamilya,” sabi ni Rhea. Dugtong pa ng very successful businesswoman, “Naghahanda kami sa mga kapana-panabik na mga events at milestones at humbled ako na ibahagi ang lahat ng ito di lang sa aming brand ambassadors at sa mga kaibigan natin sa press ngunit pati na rin sa aming mga resellers at distributors. Ang lagi ko ngang sinasabi sa lahat, this is not just a business, it’s a lifestyle, a livelihood for everybody.”

Para sa mga karagdagang kapana-panabik na mga balita ukol sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending