Matutuwa ba ako na iniinsulto n'yo ang asawa ko? Personal na ang mga atake n'yo! – REGINE | Bandera

Matutuwa ba ako na iniinsulto n’yo ang asawa ko? Personal na ang mga atake n’yo! – REGINE

Ervin Santiago - July 23, 2013 - 03:00 AM

Hindi na nakayanan ni Regine Velasquez ang panlalait at pang-aalipusta ng isa niyang follower sa Twitter laban sa kanyang mister na si Ogie Alcasid. May kinalaman ito sa paglipat daw nila ni Ogie sa TV5.

Ayon kasi sa isang @JessieMentiola, “Huwag kang lilipat kung ayaw mong mawalan ng fans. wag mong isama si Regine sa TV5, malaos ka na wag lang siya! Kahit hindi ka namin gusto kay regine tinanggap ka namin. wag mo siyang isama sa 5, kung malalaos ka ikaw na lang.”

Narito ang sunud-sunod na tweet ni Regine bilang sagot sa kanyang galit na galit na supporter, “Sino ba kasi ang nagsabi na lilipat ako ha may alam kaba na hindi ko alam? nakausap mo ba si MVP o si mr Gozon o si Gabby Lopez kaya? Nakita nyo ba ako sa tv na nagsabing im moving? Paki explain?”

“At higit sa lahat matutuwa ba ako na iniinsulto nyo ang asawa ko? Kung ikaw ako matutuwa ka ba? Masyado naman po yatang personal na ang atake. Trabaho lang po ito wala pong personalan. Again taos po sa puso ko ang pasasalamat ko sa inyong lahat na sumuporta sa akin?”

“I don’t understand why some of you would alway blame my husband for anything and everything gooooosh?? Ang bait bait po ng asawa ko he doesn’t deserve all that. Sobra na po akong na wiwirdohan ??bakit po parang Diyos ang turing nyo sa mga artista hindi po kami Diyos tao lang po kami,” sabi pa ng Asia’s Songbird.

“Lastly hmmmm? hindi ko alam close pala tayo na kailangan mong tanggapin ang asawa ko? Actually hindi ko masyadong naiintindihan kung bakit parang magugunaw na ang mondo kung lilipat ako? Ah mawalang galang na po pero BUHAY KO PO ITO??

Hirit pa ng Asia’s Songbird, “At day bago ko i consider ang feelings mo try mo rin kaya i consider ang feelings ko o ng asawa ko pag iniinsulto mo sya ha try lang, payong Kapatid lang O Kapamilya O Kapuso.”

Sa huli ay humingi naman ng pasensiya si Regine sa naging emosyonal niyang pahayag sa Twitter, gusto lang daw niyang ipagtanggol ang kanyang asawa sa mga maling paratang ng mga tao. Sana raw ay naiintindihan siya ng kanyang mga tagasuporta.

( Photo credit to google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending