Zaijian Jaranilla MVP sa Mobile Legends Tournament
WAGING Most Valuable Player sa ginanap na Mobile Legends mini-tournament ang dating child star na si Zaijian Jaranilla.
Ang nasabing tournament na tinawag na “Celebrity Showmatch” ay in-organize ng Star Magic at Tier One Entertainment kung saan naglaban-laban ang mga kilalang celebrities na mahilig sa sikat na sikat na ML.
Ang team ni Zaijian na Green Knights ang naging grand champion sa competition kung saan nakasama niya sina Gillian Vicencio, Kirst Viray at Isaiah dela Cruz.
Ang iba pang celebrities na sumali sa ML showdown ay sina JC Alcantara, Myrtle Sarrosa at ang The Voice Kids champion na si Elha Nympha.
Si Zaijian, na nakilala bilang si Santino sa hit Kapamilya series na May Bukas Pa, ang itinanghal na 3rd among top Mobile Legends players in the Philippines. Bukod dito, isa rin siya sa top players sa buong mundo.
“‘Yung global po ako Top 4 lang inabot ko last season. Natulungan din po ako nu’ng mga ka-squad ko nun. Hindi ko rin po talaga ine-expect na aabot ako sa Top Global,” ayon kay Zaijian sa isang panayam.
Bago maging top player sa Mobile Legends, naging magaling na player din siya ng Defense of the Ancients (DOTA) at iba pang computer games.
“Last year lang po ako nag-start. Pero DOTA player po kasi ako. At saka ang dami ko ding mga nilalarong games. Kaya po siguro na-gets ko na rin agad ng madali,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.