PBB Otso housemate Andre huling nakapasok sa Big 8; tinawag na 'king of task' | Bandera

PBB Otso housemate Andre huling nakapasok sa Big 8; tinawag na ‘king of task’

Ervin Santiago |July 29,2019
facebook
share this

PBB Otso housemate Andre huling nakapasok sa Big 8; tinawag na ‘king of task’

Ervin Santiago - July 29, 2019 - 12:25 AM


LALABAN hanggang sa huling set of challenges ang tinaguriang King of Task ng PBB Otso na si Andre Brouillette.

Ito’y matapos ngang manalo ang binata sa ginanap na text voting last Saturday night para sa ikawalo at huling trono ng PBB Big Otso na siyang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Big Winner ngayong season.

Si Andre ang nanguna sa pinakahuling task ni Big Brother at pumangalawa naman ang tatlong miyembro ng batch 4 na sina Argel, Wealand at Akie. Natanggal naman sa last “Batch-bakan” ang mga natitirang members ng batch 1 at 3 matapos mangulelat sa challenge na tuluyan nang pinabalik sa outside world.

Makakasama ni Andre sa Big Night ang tatlo pa niyang kagrupo sa Big 4 ng batch 2 na sina Fumiya Sankai, Yamyam Gucong at Lou Yanong.

Umabot din sa Big Night sina Lie Reposposa, Ashley del Mundo, Kiara Takahashi at Kaori Oinuma.
Sila ang maglalaban-laban sa finals night na gaganapin sa darating na Aug. 3 and 4 sa AATF Sports Complex, Imus, Cavite.

Pero ang tanong, may mga bagong pasabog pa kaya si Big Brother bago ang Big Night? Knowing Kuya na mahilig sa surprises, baka may panggulat pa siyang inihanda para sa Big 8 at sa madlang pipol bago ang pinakakaabangang Ultim8 Big Night!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending