Kilalang aktor na-shock: Bagong bf ng ex-dyowa kasama niya sa tv show | Bandera

Kilalang aktor na-shock: Bagong bf ng ex-dyowa kasama niya sa tv show

Reggee Bonoan |July 29,2019
facebook
share this

Kilalang aktor na-shock: Bagong bf ng ex-dyowa kasama niya sa tv show

Reggee Bonoan - July 29, 2019 - 12:05 AM


“OKAY na ‘yun, at least nawala na siya sa buhay mo, mas nakaganda pa sa ‘yo.” Ito ang narinig naming sabi sa isang aktor ng kanyang handler sa isang showbiz event.

Gulat ang nakita naming facial expression ng aktor nang marinig niya ang pangalan ng ex-girlfriend na may bagong boyfriend na ngayon at katrabaho pa niya sa isang programa.

To the rescue agad ang handler ng aktor dahil dama nitong nasasaktan pa rin ang alaga sa paghihiwalay nila ng dating karelasyon ilang buwan na ang nakararaan.

Marami palang hindi pabor sa ex-girlfriend ng aktor dahil daw gandang-ganda ito sa sarili at feeling super galing din gayung nawalan naman agad ng ningning ang kanyang bituin nang maghiwalay sila ng ex-dyowa.

Ang narinig pa naming komento, “Goodluck kay ____ (pangalan ng bagong karelasyon ng ex-girlfriend ng aktor) baka kasi hindi pa niya alam ang ugali ng dyowa niya.”

Kami naman ang nag-react dahil ang alam namin pagkabait-bait ng boyfriend ngayon ng ex-dyowa ng aktor at baka siya naman ang saktan ni girl.

“Keri ni ____ (pangalan ng bagong boyfriend) ‘yan, foreigner naman siya, alam niyang maglaro saka sa tingin mo makakaisa yung girl sa kanya, walang pera ‘yun, hindi nagdadala yun ng cash,” pambubuking pa sa amin.

Hmmm, ibig sabihin ‘yung dating karelasyon ng aktor ay bilmoko? At isang makahulugang smile lang ang sagot sa amin ng handler.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending