Premyo ng nanalong Lotto tiket makukuha pa | Bandera

Premyo ng nanalong Lotto tiket makukuha pa

Leifbilly Begas - July 28, 2019 - 01:03 PM

MAAARI pang makuha ng mga mananaya na mayroong nanalong tiket ang kanilang premyo.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office maaaring ipapalit sa main office ng PCSO sa Conservatory Building, Shaw Boulevard Mandaluyong City ang mga premyo anuman ang halaga ng panalo nito.

Maaari ng kumuha ng premyo simula sa Hulyo 29 (Lunes) mula 8:15ng umaga hanggang 4:30ng hapon.

Ang mga nanalong tiket ay maaaring ipapalit sa loob ng isang taon mula ng ito ay manalo.

Itinigil ng PCSO ang lahat ng gaming activities nito sa alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Suportado naman ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang utos ni Duterte na ipahinto ang mga sugal ng PCSO at pag-aralan ang masamang epekto nito sa lipunan.

Ayon kay Hataman mayroong mga Filipino na nakadepende na sa legal na sugal para sa mabilisang pera sa halip na  maghanap ng trabaho.

“Small-time gambling, such as those introduced nationwide through government franchises, could lead to major problems later. Compulsive gambling is an addictive disorder that could wreck Filipino homes, especially those, which are financially challenged. This could occur not just to families in Metro Manila and other cities but in the provinces as well where Lotto, STL and Peryahan ng Bayan actively operate.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending