Summer MMFF tuloy na sa 2020; Parade of Stars rarampa sa Linggo ng Palaspas | Bandera

Summer MMFF tuloy na sa 2020; Parade of Stars rarampa sa Linggo ng Palaspas

Ervin Santiago - July 28, 2019 - 12:40 AM

MMFF Execom at iba pang opisyal ng gobyerno sa presscon ng Summer MMFF

TULOY na tuloy na ang Metro Manila Summer Film Festival sa 2020.

Inaprubahan ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang rekomendasyon ni Sen. Bong Go na magkaroon ng second edition ng taunang filmfest.

Ito ang ibinandera ng MMFF Execom sa isang presscon kamakailan na ginanap sa opisina ni MMDA Chairman Danilo Lim.

Layunin ng MMSFF na mas paigtingin pa ang pagtulong sa local movie industry lalo na ngayong patuloy ang pagsemplang sa takilya ng ilang Filipino movies dahil na rin sa “influx of foreign films.”

Wala si Sen. Go na bahagi na nga ng MMFF Execom sa naganap na mediacon para sa MMSFF ngunit halos kumpleto naman ang mga opisyal ng filmfest at MMDA. Present din sa presscon sina Laguna Rep. Dan Fernandez at Rep. Len Alonte na nangako ng 100% suporta sa MMFF.

Base sa rules and regulations, ang MMFF Selection Committee ay pipili ng walong official entries na ipalalabas exclusively sa Metro Manila at sa lahat ng mga sinehan nationwide sa loob ng 11 days—mula Black Saturday hanggang sa second Tuesday after Black Saturday.

“The event shall be undertaken in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP),” ayon sa statement ng Execom. During the Summer Film Festival ay wala ring foreign films na ipalalabas.

At tulad ng taunang MMFF na ginaganap tuwing December, magkakaroon din ang MMSFF ng Parade of Stars na magaganap sa April 5, 2020 (Palm Sunday). Ipalalabas naman ang mapipiling Magic 8 sa April 11 to 21. Ang gabi ng parangal ay gaganapin naman sa April 15.

Ayon naman sa MMFF official na si Noel Ferrer, kung ano ang ginagamit na criteria ng Selection Committee sa pagpili ng official entries tuwing December, iyon din ang gagamitin para sa summer MMFF. Ang unang magiging host city para sa summer filmfest ay ang Quezon City.

Ayon pa sa Execom, ang mga pelikulang pipiliin para sa MMSFF ay ibabase sa submitted finished films produced not earlier than Jan. 1, 2019 kabilang na ang mga nai-submit na para sa 2019 MMFF finished film competition.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending