2 Beauty clinic nag-aaway dahil sa biglang-sikat na youngstar | Bandera

2 Beauty clinic nag-aaway dahil sa biglang-sikat na youngstar

Ambet Nabus |July 28,2019
facebook
share this

2 Beauty clinic nag-aaway dahil sa biglang-sikat na youngstar

Ambet Nabus - July 28, 2019 - 12:15 AM

Grabe naman talaga ang kaepalan ng isang kilalang personalidad na nasa mundo ng pagpapaganda.

Paano kasi, mabilis pa sa alas-kuwatro nitong inunahan ang pamunuan na nagpapatakbo ng career ng isang soon to be very bright star matapos nga nitong makuha ang isang project na pinag-iinteresan ng maraming young girls.

Bigla umanong nag-claim ang epal na personality na “homegrown beauty client” ng clinic nila ang pinag-uusapang girl bibida soon sa isang bonggang project without even knowing na meron siyang nasasagasaang ibang clinic kung saan nakakontrata ang bagets.

Sey ng aming kausap, “Wala namang isyu kung pormal kaming kakausapin at maayos na magpapaalam lalo pa’t under contract sa amin. Pero yung mag-claim at sabihing sa kanila galing at naging mas maganda ay isang malaking kasinungalingan.”

Sanay na raw at kilala ang epal personality na ito na mahilig manulot at manguha ng talents/artists na nasa ibang clinic matapos daw itong pagandahin at gawing higit na maayos sa mata ng publiko at sasabihing sa kanila na gumanda.

“Magtigil nga siya, sa dinami-dami ng mga gawa nilang pumunta sa amin para muling magpaayos at ayusin, nanahimik lang kami. Pero ‘yung masanay sila na manulot, dapat nga siguro siyang manalamin muna!” hirit pa ng kausap namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending