‘Mamatay kayong lahat’ ni Ipe sa mga anti-Duterte kinontra ni Sandra Cam | Bandera

‘Mamatay kayong lahat’ ni Ipe sa mga anti-Duterte kinontra ni Sandra Cam

Reggee Bonoan - July 28, 2019 - 12:10 AM

SANDRA CAM

AMINADONG avid fan at supporter ni Presidente Rodrigo Duterte si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam kaya inunahan na niya ang media na wala siyang masamang masasabi sa Pangulo.

Aniya, “Don’t expect me to say negative to him. He’s the only guy who can change the Philippines.”

Hiningan na lang siya ng komento tungkol sa sinabi ni Phillip Salvador na mamatay na lahat ang detractors ni Duterte.

“I don’t want to say that because opposition has their own views so, I respect that. But again I will reiterate that I am for the advocacy of our dear President Duterte. We are all Filipinos, we have to work together for the betterment of our country,” paliwanag ng PCSO executive.

Magkaibigan sina Sandra at Ipe dahil, “He’s my kuya Ipe. During our campaign, I’m always with the President before I joined the government, lahat po ng campaign kasama ako at saka si kuya Ipe, magaan ang loob ko sa kanya. Even Robin Padilla and Cesar Montano, I was with them in Russia and Arnel Ignacio.”

Nakapanayam namin si Sandra Cam sa ginanap na Miss Philippines Foundation launching nitong Miyerkules. Sinuportahan niya ang event dahil kaibigan niya ang Presidente at CEO nito na si Mr. Victor Torre na kapareho niyang OFW sa Abu Dhabi.

Samantala, nalaman naming naglilibot sa buong bansa si Sandra Cam para tulungan ang mga kababayan nating mga OFW.

“On my part, you can ask the other directors but on my part, twice a week I’m always bringing lugaw or champorado to the patients there (Philippine General Hospital) who are always waiting from 2 a.m. until 8 a.m. I’m all over the Philippines,” kuwento pa.

Nabanggit din niya na kapag may mga humihingi ng tulong sa kanya sa PCSO ay natutugunan niya kaagad.

“Sa akin mabilis if you go to my office that’s why I gave my public number right? Anytime 24/7 my cellphone is always open. If I cannot answer you back within the day, (sa gabi) makaka-receive kayo ng sagot because I’m the one handling my cellphone. Wala po akong assistant,” saad niya.

At dahil kilalang public figure dahil na rin sa pambubuking niya noon tungkol sa jueteng ay aminadong marami siyang bodyguard dahil sa natatanggap na death threats.

“I cannot walk alone, you know naman I have a lot of death threats but kinakain ko na lang ‘yan, sometimes I use bullet proof (vest) but my full security is God,” pahayag niya sa amin.

Anyway, makulay ang buhay ni Sandra Cam, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay niya ay sino ang gusto niyang gumanap bilang siya.

“Si Amy Austria because during my younger days they said na kamukha raw ako ni Amy. Nagkakilala na kami, mabait ako at mabait din siya sa akin and she calls me ate,” saad niya.

Sino naman ang gusto niyang leading man, “I don’t know. Niloloko n’yo na ako. Hindi ko alam, wala akong alam!” paiwas niyang sagot.

Itinanggi rin niya na isa siya sa pinakamayamang miyembro ng Duterte administration.

“No I’m not! I came from a humble beginnings and I know the next question is the P500 million island which is very incorrect. They used that as a weapon against me. There is no such a thing. You can go to Masbate and there no such thing as P500 million property.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay tinext namin siya tungkol sa utos ni Presidente Duterte na suspendihin ang lahat ng klase ng sugal sa bansa, kabilang na ang lotto, STL at iba pang uri ng online games na mula sa PCSO pero hindi pa niya kami sinasagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending