Kris, Empoy magsasama sa bonggang TV ad; bubuhayin ang ‘Pido Dida’ loveteam
NATULOY na ang pagsasama ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ang phenomenal Kapamilya comedian na si Empoy Marquez.
Ito ang ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram post kasabay ng pagkumpirma niya sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang shooting para sa Metro Manila Film Festival 2019 official entry nilang na “K(Ampon)” under Quantum Films.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Kris ang mga bagong ganap sa kanyang career, “I’ll start shooting (K)Ampon in a couple of weeks. Pero today, working for @unileverphilippines with @empoy.
“We did 3 Lady’s Choice webisodes, in bed & ready na to sleep… this is an APPRECIATION post. Thank you to my @cornerstone family, most especially @jeffvadillo & Tin dahil hindi nyo talaga ko pinabayaan- NAPAKASWERTE KO!
“And thank you @empoy, nakaramdam ako ng on screen chemistry with you, pareho nung magic na meron kami ni Rene Requiestas 29 years ago (Pido Dida was shown Sept 13, 1990- unreal)… sana, sa 30th anniversary nung 1st movie ko, makatambal kita. Kinwento ko na sa ‘yo yung concept na sinulat ko kagabi and after today’s shoot, i believe it can work.”
Inamin din ni Kris na ilang beses na niyang napanood ang “Kita Kita” nina Empoy at Alessandra de Rossi.
Marami naman ang natuwa sa pagsasama nina Kris at Empoy sa bago nilang endorsement at may mga nagkomento rin na siguradong mabubuhay daw ang tambalang Kris at Rene sa collaboration ng dalawa.
Kung matatandaan sumikat nang bonggang-bongga noon ang tambalan nina Kris at Rene sa pelikulang “Pido Dida: Sabay Tayo” (1990) mula Regal Films na nasundan pa ng Pido Dida 2: (Kasal Na!) taong 1991.
Marami ang nagsasabing hawig sina Empoy at Rene kaya huwag na tayong magtaka kung after ng project nina Kris at Empoy para sa Lady’s Choice ng Unilever ay masundan na ito ng pelikula ala-Pido Dida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.