Babae pinugutan dahil sa selos, anak hinostage ng salarin | Bandera

Babae pinugutan dahil sa selos, anak hinostage ng salarin

Leifbilly Begas - July 26, 2019 - 03:52 PM

KALABOSO ang 34-anyos na lalaki matapos nitong pugutan ng ulo ang kanyang live-in partner at i-hostage ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae sa Quezon City kahapon.

Sumuko si Alejandro Llena, ng Arba st., corner Munoz st., Brgy Batasan Hills, matapos ang ilang oras na negosasyon.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya ala-1:15 ng hapon kaugnay ng isang lalaki na armado umano ng baril at naglalakad sa Arba st., Brgy. Batasan Hills.

Pagdating ng mga pulis ay bitbit ng suspek ang bata na tinutukan nito ng baril sa ulo.

Nakumbinsi ng mga pulis na sumuko ang suspek.

Nang kausapin ng mga pulis ang bata ay nalaman nila na pinatay ng suspek ang kanyang ina. Pagpasok ng mga pulis sa kanilang bahay ay tumambad sa kanila ang ulo ni Maricel Balaoro Alejo na nakahiwalay sa kanyang katawan.

Ayon sa suspek mayroong bumubulong sa kanya kaugnay ng panlalaki ni Alejo.

Nabatid na ang suspek ay nasa drug watchlist ng pulisya. Sumuko umano ito noong 2016 pero nagpatuloy sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang kalibre .45 pistola, patalim, butcher knife, at mga bala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending