‘Nag-iilusyon lang ba si Bea na sila pa rin ni Gerald?’ | Bandera

‘Nag-iilusyon lang ba si Bea na sila pa rin ni Gerald?’

Cristy Fermin |July 26,2019
facebook
share this

‘Nag-iilusyon lang ba si Bea na sila pa rin ni Gerald?’

Cristy Fermin - July 26, 2019 - 12:25 AM

Walang pakialam si Julia Barretto sa mga nagsasalimbayang pang-uupak sa kanila ni Gerald Anderson sa social media. Sa halip ay masayang-masaya raw siya at excited na sa paglipat sa bagong bahay na ipinatayo
niya.

Ninanamnam na raw niya ngayon ang bawat sulok ng bahay nila, ilang araw na lang daw kasi ay sa bagong bahay na siya matutulog, kaya hinihimas-himas pa niya ang kanyang kama.

Galit ang mga tagasuporta ni Bea Alonzo sa mga posts ni Julia, paano raw niya nagagawang magsaya pa, samantalang may isang babaeng nagluluksa dahil sa pang-aagaw niya sa karelasyon nito?

Pero mukhang mabibigyan ng magandang bendikasyon si Julia dahil nang komprontahin ng kanyang ama si Gerald tungkol sa kontrobersiya ay sinabi ng aktor na tapos na ang lahat sa pagitan nila ni Bea.

Ibig sabihi’y libre na itong makipagrelasyon sa iba dahil break na pala sila ni Bea. Totoo naman kaya ang sinabi ng aktor sa ama ni Julia?

Kung totoong tapos na sila, bakit pa nag-post ng mga makahulugang litanya si Bea na malinaw na patungkol sa isang karelasyong salawahan, nag-iilusyon ba si Bea na sila pa ring dalawa?

Abangan natin ang mga susunod pang kabanata ng rigodong ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending