Male star binalaan: Wag ibibigay sa ex-dyowa ang sustento sa mga anak...Alam na! | Bandera

Male star binalaan: Wag ibibigay sa ex-dyowa ang sustento sa mga anak…Alam na!

Cristy Fermin |July 26,2019
facebook
share this

Male star binalaan: Wag ibibigay sa ex-dyowa ang sustento sa mga anak…Alam na!

Cristy Fermin - July 26, 2019 - 12:50 AM

SA kagandahang-loob ng mga taong nagmamalasakit sa kanilang pamilya ay nagkaroon na ng katuparan ang hiling ng isang kilalang male personality na makita ang mga anak nila ng kanyang nakahiwalay na misis na aktres.
Matagal bago nakita ng lalaking personalidad ang kanyang mga anak, halos taon ang kanyang binilang, sarado kasi ang utak ng kanyang ex pagdating na sa hiling niyang makasama ang mga bata.
Kuwento ng aming source, “Pero dahil sa mga taong nagmamalasakit sa family nila, e, gumawa sila ng paraang mangyari ang gusto ng male personality. Pinagtagpo nila ang mag-aama.
“Napakaganda ng eksenang ‘yun, pangpelikula, halos naluluha ang male personality nu’ng finally, e, nakita na niya ang mga anak niya. Halos ayaw na niyang bitiwan ang mga bata sa pagkakayakap niya,” kuwento ng aming chikadorang impormante.
Sa puntong ‘yun napatunayan ng mga taong tumulong na hindi totoo ang press release ng aktres na ayaw makita ng mga bata ang kanilang ama. Galit kuno ang mga ito sa kanilang daddy.
Patuloy na chika ng aming source, “Ano ang sinasabi ng babaeng ‘yun na galit ang mga bata sa father nila? Kung nandu’n lang siya, e, baka mapahagulgol siya sa sobrang madramang eksena nu’ng magkita-kita na ang mag-aama niya!
“Grabe ang pagyakap ng mga bata sa daddy nila, miss na miss na raw nila ang tatay nila, sabi ng mga bagets! Kaya drama lang ng mommy nila ang mga kuwentong ang mga bata ang ayaw makita ang daddy nila at hindi siya ang humaharang!” naiinis na kuwento ng source.
Heto na. Nang mabuksan na ang komunikasyon ng mag-aama, natural, umandar na naman ang kalokahan ng aktres. Kung anu-ano ang hinihingi nito para sa mga anak nila.
Kuwento uli ng aming source, “Pero maagap ang mga taong gumawa ng paraan para magtagpo uli ang mag-aama. Sinabihan nila ang male personality na huwag ibibigay ang datung sa aktres kundi sa mga bagets!
“At kung may time ang male personality, mag-grocery siya kasama ang mga bata para sila na ang bumili ng mga food na pambaon ng mga bata sa school!
“Huwag niyang ibibigay ang pambili sa girl, dahil siguradong hindi ‘yun mapupunta sa mga bata, ipambibili niya ‘yun ng kung anu-anong medicines na iniinom niya!
“Yes! Hanggang ngayon, e, may mga ginagawa pa ring hindi maganda ang girl, kaya hindi siya dapat pagkatiwalaan sa pera, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak na kayo ng tig-iisang bareta ng sabon para maihambalos n’yo sa girl!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending