Xian sinigawan ng katrabahong aktor, binantaan pa sa shooting | Bandera

Xian sinigawan ng katrabahong aktor, binantaan pa sa shooting

Julie Bonifacio - July 26, 2019 - 12:39 AM


MAUUNAWAAN ni Xian Lim kung hindi man makarating si Kim Chiu sa gala night ng kanyang first directorial job at isa sa official entries sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na “Tabon.”

Pero umaasa ang aktor na manonood si Kim ng movie niya either sa Cultural Center of the Philippines or sa participating theaters sa malalaking malls simula sa Aug. 2 to 13.

Nasa Amerika kasi si Kim para sa ASAP sa San Francisco next month. Pero tinanong namin si Xian kung bakit ‘di niya kinuha si Kim para magbida sa kanyang first film.
Medyo napaisip ng isasagot si Xian sa tanong namin hanggang sa nasabi na lamang niya na magkaiba sila ni Kim.

But in the future or next films niya tanging “why not” na lamang ang nasabi ni Xian.

“Alam na alam niya, ang dugo at pawis sa pelikulang ‘to. Alam naman niya talaga na this is something na gusto kong gawin and talagang binigyan ko ng oras. And everyday kino-congratulate niya po ako sa journey na ito,” pahayag ni Xian.

Medyo matagal-tagal na ring hindi nagkasama sa isang proyekto sina Xian at Kim kaya wish ng aktor na direktor na nga ngayon na magkatrabaho ulit sila ng kanyang girlfriend. But now, balik-TV si Xian sa seryeng Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Nagwo-workshop kami sa bahay ng multi-awarded scriptwriter na si Ricky Lee when he mentioned to us na nandoon si Xian at sinusulat ang kanyang script. Kasama si Xian sa batch 17 na nagtapos ng scriptwriting workshop ni Kuya Ricky.

“Tabon is a story about a man coming back from the province to figure out what happened to his father? When I was writing kasi to be completely honest, I wanted a concept that revolves around a cave. So, may isang time na nagba-bike akong mag-isa. Sabi ko, ‘Sige nga, subukan ko nga ‘to. ‘Wala pang Ricky Lee, wala pang any attempts of passing it to Cinemalaya,” kuwento niya.

Medyo nagugulat si Xian sa shooting ng “Tabon” kapag nare-realize niya na siya na ang nagbibigay ng instruction sa mga artista, ‘Oh, yes. Tapos nasanay ako na, ‘yun nga, pupunta lang ako sa set. Makikinig lang ako sa mga kailangan kong gawin, tapos uwi na. E, ‘di ba ganoon lang talaga siya ka-simple. Tapos matutulog ka kapag hindi ka kailangan.”

This time, feel na feel ni Xian ang responsibility na nakaatang sa kanyang balikat sa set ng “Tabon.” “Ang daming responsibilities sa lahat ng tao to make sure, una sa lahat, healthy working environment. At the same time, they got the story across. E, ‘yun. I stick but that responsibility na, ‘Hindi tayo matitibag dito. Eto ang gagawin natin.’ But at the same time, being open enough that it is a collaborative process pa rin,” lahad pa niya.

q q q
More on Xian Lim, ano ‘tong nabalitaan naming nag-sign off siya sa kanyang social media accounts dahil sa aktor na nakatrabaho niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Batay sa nakaraang post ni Xian, sinigawan siya nu’ng artista na nakatrabaho niya at sinabihan pa siya sa shooting na ikasisira ng career niya ang pagkuha sa kanya bilang artista.
As far as we know, isa lang ang movie na idinidirek ni Xian now, ito ngang “Tabon” na according to Xian ay hindi pa tapos ang shooting nang nakausap namin siya sa Cinemalaya press launch. Sino nga kaya ang tinutukoy ng boyfriend ni Kim?
Dito rin kami nagkaroon ng chance na makausap ang ilan sa members ng cast ng movie, including our colleague Benjie Felipe at ang nagbabalik na si Ynna Asistio. Kasama rin sa movie si Christopher Roxas at Leon Miguel.
In fairness, ang gaganda ng mga sinabi nina Benjie at Ynna sa kanilang direktor na si Xian.
Say ni Benjie, “Alam mo Julie ang pinakamaligayang sandali na naisip ko, ‘yung anecdote niya. Nu’ng ginagawa kasi namin ‘yung ‘Two Funerals,’ biglang si Xian, sinasabi ni Direk Gil Portes, ‘Bago lang ‘to, ah.’ First movie ni Xian ‘yun. Sabi niya, ‘Alalayan ninyo ‘yan, ha.’
“Ang naalala ko, ‘Direk, alam mo sisikat ang batang ‘yan kapag tinulungan natin.’ Tapos naging maligaya ako na just after nine years, direktor na siya. Kaya nu’ng sinabi niya, si Xian Lim? Wow!’ Kailangan kong samahan ‘to. Malay mo ako ang lucky charm niya? Ha-hahaha!”
Ikinumpara pa ni Benjie si Xian sa award-winning director na si Jon Red, “Matagal akong hinawakan ng kapatid ni Jon Red, si Raymond. Para siyang si Jon Red. Tinitingnan niya. Tapos tuwing nakikita niya na maganda rito, explore pa tayo. Kung nakikita niya, ‘Oops, oops, tatabasin natin ‘to.’ So, ‘yung maganda doon habang ginagawa niya ‘yung pelikula niya, napo-polish na niya.
“Pero hindi siya nanghihinayang. Kailangan talaga, ganoon. Mabuting tao ang batang ‘to,” papuri pa ni Benjie kay Direk Xian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending