Julia tinawag na duwag, hinamon ng netizens | Bandera

Julia tinawag na duwag, hinamon ng netizens

|July 25,2019
facebook
share this

Julia tinawag na duwag, hinamon ng netizens

- July 25, 2019 - 12:30 AM

DUWAG at walang paninindigan. Yan ang komento ng mga netizens laban kay Julia Barretto na tila walang pakialam sa kinasasangkutang kontrobersya kaugnay ng paghihiwalay nina Bea at Gerald.

Dalawang magkasunod na litrato ang ipinost ni Julia sa kanyang Instagram account kahapon kung saan makikitang nakatawa ang dalaga at mukhang hindi affected sa pagtawag sa kanya ng kung anu-anong masasakit na salita matapos iturong third party sa Bea-Gerald break-up.

Sa ikalawang IG photo ng dalaga, sinabi nitong malapit na siyang lumipat sa bago niyang bahay. Aniya sa caption, “Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home…nervous about the big responsibility but I am ready and excited for this new chapter in my life. So thankful, so blessed (heart emoji).”

Naka-disable ang comments section sa post ni Julia kaya hinamon siya ng netizens na i-turn on ito para malaman niya ang sentimyento ng madlang pipol tungkol sa kanya. At kung matapang daw siya, magsalita na siya about the issue para magkaalaman na.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Bea, Gerald at Julia tungkol sa kontrobersiya kaya naman hindi pa rin mamatay-matay ang hot issue.

Kaya hangga’t walang kumpirmasyon sa berak-up nina Gerald at Bea, mananatili pa rin itong tsismis. Bukas ang pahinang ito para sa kanilang paliwanag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending