Alden gaganap na kargador sa bagong serye; nag-courtesy call kay Mayor Isko | Bandera

Alden gaganap na kargador sa bagong serye; nag-courtesy call kay Mayor Isko

Jun Nardo |July 25,2019
facebook
share this

Alden gaganap na kargador sa bagong serye; nag-courtesy call kay Mayor Isko

Jun Nardo - July 25, 2019 - 12:15 AM


ANG gagawing bagong Kapuso series ang isa sa dahilan kaya nag-courtesy call si Alden Richards kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Kasama ni Alden na nagpunta sa City Hall sina Mikee Quintos at Betong Sumaya kaya nagkagulo ang mga empleyado nang bumulaga ang tatlo sa opisina ni Yorme Kois!

Sa nakuha naming impormasyon, sa Maynila kukunan ang bagong serye ng Pambansang Bae particularly sa bandang Divisoria at kalapit na mga kalye nito.

Balita pa namin, gaganap si Alden bilang isang kargador sa Divisoria, huh! Kaya naman handa na ang Kapuso prized artist na marumihan sa mga eksena niya.

Bongga kung ‘yun nga ang magiging character ni Alden dahil ito talaga ang ibang-iba sa magagampanan niya na laging malinis ang hitsura kapag nasa screen! Mas gusto kasi ng kanyang fans na medyo dirty ang kanyang look dahil mas lumalabas daw ang kanyang kaguwapuhan at kaastigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending