Pinoy sa Amerika, nakakapamili ng state na nais nilang tirahan | Bandera

Pinoy sa Amerika, nakakapamili ng state na nais nilang tirahan

Susan K - July 24, 2019 - 12:15 AM

ATLANTA, GEORGIA — Madalas na tinatanong ng Bantay OCW kung pinipili nga ba ng ating mga kababayan kung saang state sa Amerika nais nilang magtrabaho at manirahan.

May mga taga New York na nagsabing mahal ang cost of living doon.
At totoo naman dahil apat na states ang timaguriang mahal ang pamumuhay kasama na ang San Francisco, Los Angeles at Chicago.

Kaya naman kung nasa area lamang anya ng Brooklyn o Man
hattan ang kanilang trabaho, mas okay na anya na mag ferry lang sila at sa Staten Island naman ang kanilang inuuwian.

May ilan naman na balikan mula New York at Pennsylvania, trabaho-bahay, araw araw ganyan naman ang ruta ng isang teacher doon.

Ganyan din halos ang kuwento ng mga taga Texas. Kahit ibang lahi, dating mga taga New York at ngayon ay naninirahan na sa Texas. Ganoon din ang dahilan: murang pamumuhay.

Katulad ni Rosalie Peace, pareho silang nagtatrabaho ng kanyang asawa sa California, ngunit nagdesisyon na ilipat na lamang sila ng kanilang kumpanya sa Texas. Parehong dahilan: hindi kamahalan ang mamuhay roon.

Para naman sa mag-asawang Victor at Hannah, hinimok sila ng kaanak na sa Florida na lamang mamuhay gayong galing si Victor ng New Jersey ng mara-ming taon na.

Sinubukan nilang magtungo ng Florida, nag-apply ng trabaho at pareho naman silang natanggap na mag-asawa.
Kaya ngayon, masaya silang namumuhay sa Florida, dahil walking distance lang ang kanilang tinitirhan sa kanilang mga trabaho.
Wala nang gastos sa kotse at gasolina, wala pa ‘anyang stress, dahil nakaka-relax naman talaga ang kapaligiran ng Florida.
Maraming puno, maraming beaches, maraming pasyalan. Nakaka relax nga naman.

Ang pamilyang Antique naman, sina Engr. Abe at maybahay niyang nurse na si Diyah ay nanggaling sa Ohio at kasalukuyan nang naninirahan sa Florida. Sa Ohio rin ipinanganak ang kanilang unica hija na si Tisha at isa na ring nurse tulad ng kaniyang mommy.

Mga taga New York naman ang mga kapatid ni Diyah na sina Cindy at asawang si Doctor Joe at piniling manirahan na rin sa Florida, pati na ang kapatid nilang si Belinda. Relax nga naman ang buhay doon.

Kung pupuwede nga lang naman at may pagkakataon na makalipat ng ibang state dito sa Amerika ang ating mga kababayan, nagagawa nilang mamili kung saan nila gusto.

Yung mga dating galing sa masyadong abalang mga state at stressful na kalagayan sa pagtatrabaho, tiyak na pipiliin nilang manirahan ngayon sa mga tahimik, relaxing at hindi na masyadong mabilis ang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending