Solon namumula ang hasang | Bandera

Solon namumula ang hasang

Leifbilly Begas - July 24, 2019 - 12:15 AM

PARA palang namantikaan ang nguso ng isang kongresista matapos na makatikim ng maganda pero may edad nang mambabatas.
Hindi rin siguro inakala ni Cong na siya ay pagbibigyan ng isang magandang lady solon lalo na at sikat at madalas itong ma-media.
Sino nga ba naman si Cong. eh nabanggit lang ata ng media ang kanyang pangalan ng madawit sa kontrobersya dahil sa isyu ng pork barrel samantalang ang kanyang nakadaupang palad ay isang maganda na sikat pa?
Hindi ko lang alam kung ano ang hiningi ni Mam kay Sir matapos ang kanilang lihim na pagtatagpo.
Ang sure, pumula ang hasang ng kongresista at feeling niya ay ang pogi-pogi nya.
Mas lalo nya ring minahal ang kanyang bigote na mas maganda pa ang porma kesa sa kanyang buhok.
Mas madalas pa yata kasing nasasayaran ng suklay ang bigote kesa sa kanyang buhok.
Pero baka hindi lang ang hasang kundi ang buong mukha ni congressman ang pumula kapag nalaman ni misis ang kanyang ginawa. Hindi pupula dahil magba-blush kundi sa kasasampal ng asawa.
***
Natuldukan na ang Speakership serye. Nangyari ang sinabi ni Pangulong Duterte na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang uupong speaker.
Tatagal ang pamumuno ni Cayetano ng 15 buwan.
Marami kasi ang mga kongresista na nag-alinlangan nang sabihin ng Pangulo na hindi naman sasama ang loob nito kung hindi susundin ng mga kongresista.
Tapos nasundan na ito ng paglabas ng isyu ng SEAGames kaya parang may mga nalito.
Naging tensyonado tuloy ang mga araw habang papalapit ang unang sesyon ng 18th Congress.
Para naman sa marami, ano ba naman na pagbigyan na lamang ang Pangulo at iluklok si Cayetano. Mismong ang pangulo na ang nagsabi na may tiwala siya rito.
Tsaka kung hindi magpi-perform si Cayetano
maaari naman siyang palitan gaya ng ginawa kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na inalis sa trono ng speaker noong nakaraang taon.
At isa pa, malinaw naman kay Cayetano ang instruction na 15 buwan siya sa puwesto at pagkatapos ay papalit si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending