Kris, Rayver, Megan may pasabog agad sa pilot episode ng ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ | Bandera

Kris, Rayver, Megan may pasabog agad sa pilot episode ng ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’

Bandera - July 24, 2019 - 12:20 AM

MEGAN YOUNG, RAYVER CRUZ, KRIS BERNAL AT KIM DOMINGO

UNANG araw pa lang ay super intense na ang mga eksena sa pinakabagong afternoon series ng GMA, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Nag-trending agad sa social media ang pilot episode ng serye na pinagbibidahan nina Megan Young, Kris Bernal, Kim Domingo at Rayver Cruz.

Puring-puri ng mga manonood at ng netizens na tumutok sa world premiere ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ang madadramang eksena nina Kris at Rayver bilang sina Naomi at Matteo. Komento nga ng ilang Kapuso viewers, nabitin sila sa unang pasabog ng serye kaya talagang tututukan na raw nila ito araw-araw.

Narito ang ilang comments ng netizens tungkol sa pagsisimula ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Ayon kay @ITs_ianjomar, “Congrats GMA for this new suspense-thriller drama! Sobrang magugustuhan ‘to ng mga manonood.”

Sey pa ng isang netizen, “Galing ni ate @soKRISme #HanggangSaDuloNgBuhayKo plus yung cinematography, just wow, hope till the finale ganon.”

“Ang ganda ng pilot episode ng #HanggangSaDuloNgBuhayKo. Bro @RAYVERCRUZ20, I’m so happy na ang gaganda ng mga show na binibigay sa iyo, yung AKKK noon at ngayon naman itong HSDNBK,” chika naman ni @rayverlovers.

Hirit ni @YSantillan5, “Ang ganda. Abangan natin uli#HanggangSaDuloNgBuhayKo.”

Samantala, ibinandera ni Kris na si Rayver na ang kanyang favorite love team partner na una niyang nakasama sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko at ngayon nga ay dito nga sa suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Very comfortable na raw siyang katrabaho si Rayver kaya kahit na mabibigat at intense ang kanilang mga eksena ay nagagawa pa rin nila nang bonggang-bongga.

Sey naman ni Rayver, napakagaang katrabaho ni Kris, “Natutuwa lang ako na nakatrabaho ko ulit si Kris kasi comfortable na ako sa kanya, mas madali for me na makagawa ng mga eksena, lalo na nu’ng first few tapings namin.

“Ang galing niya na artista, so parang kapag nagbabatuhan kayo ng mga eksena, mas madali bukod sa close na kami,” sabi ng binata.

Wala na rin daw silang ilangan sa mga intimate scenes, “Alam n’yo na kung paano alalayan ‘yung bawat isa kasi nakatrabaho mo na siya. Mas madali, mas mabilis so take one lang ‘yung mga ganoon.”

Sa mga kalalakihan naman na nagtatanong about Kim Domingo, tutok lang kayo sa serye dahil hindi rin magpapatalbog ang Kapuso sxy actress kina Kris at Megan dahil sigurado raw na ikagugulat n’yo ang mga ganap niya rito.

Patuloy na subaybayan ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga. Incidentally, ito ang pumalit sa serye ng girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez, ang Dragon Lady.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin dito sina Boots Anson-Roa, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Beverly Salviejo, Euwann Aleta, Denise Barnacena at marami pang iba, sa direksyon ni Jorron Lee Moroy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending