Yassi nagpapatayo ng bonggang resto sa Siargao ala-‘Mama Mia’
Kontroberysal ngayon ang Siargao dahil sa reklamo ni Yeng Constantino na kulang sa medical staff at facilities ang Dapa Surigao Hospital doon matapos maaksidente sa asawang si Yan Asuncion.
Pero tinanggal na ng mang-aawit ang post niya sa social media at vlog sa YouTube tungkol dito kasabay ng paghingi ng dispensa sa mga taong nasaktan niya. Reaksyon daw niya iyon dahil sa nangyari sa kanyang asawa.
Anyway, mukhang dedma lang ang ilang celebrities sa mga kakulangan sa nasabing isla dahil bukod sa ilang personalidad na nagtayo na roon ng bed and breakfast business na ayaw pasabi ang pangalan maliban kay Andi Eigenmann ay heto’t ibinandera naman ng leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na si Yassi Pressman ang ipinatatayo niyang building doon.
Sa Instagram ay nag-post si Yassi ng kanyang litrato habang nakaupo sa tumpok ng bag ng semento para sa ipinagagawa niyang resto-bar doon. Kinunan ni Yassi ang kabuuan ng ipinagagawa niyang restaurant, ang local residents ng Siargao, at ang kapaligiran na puro puno at halaman.
May caption itong, “Z I C A T E L A. Come visit us, friends! We’re opening soon @zicatela.siargao. #SIARGAO #ItsMoreFunInThePhilippines.”
Ang building ay hawig sa Villa Donna Hotel na ginamit sa pelikulang “Mama Mia” na matatagpuan sa Greece.
Samantala, pinasalamatan din ni Yassi ang may-ari ng bahay na tinuluyan niya.
“Salamat po sa inyong lahat, lalo na ang bahay na ito, medyo malayo po ang byahe papuntang airport mula sa main area sa (General Luna) at kinailangan namin tumigil. Napakabait ninyo po ‘nay, pinapasok niya po ako and gave me water, hugs and crackers!”
“Sabi ng kaibigan ko, tumawag pa daw siya sa kamag-anak niya sa abroad at umiyak at sinabing bumisita kami.
“Moments like this make me remember that what we have is waaaay more than just a ‘job’. To be able to touch people like that makes me cry. I don’t know why we receive so much love, but we’re so so so lucky to have you all. Hahanapin ko po ‘tong bahay na ‘to sa pagbalik ko,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.