Mga success stories ng Du30 administration | Bandera

Mga success stories ng Du30 administration

Jake Maderazo - July 22, 2019 - 12:15 AM

IBABANDERA ngayong araw ni Pangulong Duterte ang mga accomplishments ng kanyang administrasyon sa una niyang tatlong taon, at ang mga plano niya hanggang 2022.

Siyempre, iba’t iba ang magiging reaksyon. Pero sa akin, limang “success stories” lamang ang pwede kong tanggapin.

Una, dinagdagan ng pangulo ang “take home pay” ng bawat empleyado, gobyerno o pribado, nang bawasan niya ang taunang personal income tax na mula 32% ay 20% na lang, at nabiyayaan ang mga above-minimum wage at mga middle income ear-ners. Libre na sa buwis ang mga kumikita ng P20,833 bawat buwan o P250,000 bawat taon. Pero iyong malaki ang sweldo o P700,000 bawat buwan o P8 milyon pataas ay pa-patawan ng mas mataas na 35% tax.

Dahil sa kinaltas na buwis, nagkaroon ng additional disposable income tayong mga empleyado na magagamit sa pag-invest o kaya’y pambayad sa matrikula, credit card, o kumuha ng educational plan o life insurance.

Dinoble rin ang mga sweldo ng pulis at sundalo. At sa gobyerno, patuloy na salary standardization sa mga empleyado kasama na ang teachers. Sa madaling salita, lahat ng taong nagtatrabaho ay nagkaroon ng pay increase.

Ikalawa, lubusang bumaba ang national crime index statistics. Sa Metro Manila, 58% ang pagbaba ng mga krimen at sa buong bansa ay 18%. Ito’y na-ngangahulugan ng mas mapayapang lipunan, kung saan, ang mga kriminal, kabilang na ang mga corrupt na pulis at mga sindikato at siga-siga sa bawat lugar ay napaparusahan.

Ramdam na ramdam ngayon ang mas ligtas na lipunan dahil ang mga kriminal, sibilyan man o unipormado, ay hnahabol ng mga otoridad.

Ikatlo ang “Build-build-build projects” na mararamdaman natin sa 2019-2022 tulad ng Mega Manila Subway, Common station ng MRT3-MRT7 at LRT1 sa SM at Trinoma, Quezon City, kasama na ang extension ng LRT1 sa Cavite/LRT 2 sa Masinag, Antipolo, Skyway 3 project, North-South Luzon connector project, Ortigas-Bonifacio global city road link project, NLEX Harbor link, C5 South link, TPLEX hanggang Laoag Ilocos Norte, SLEX toll road 4 to Quezon province, C5 south link road namagkokonekta sa Taguig at Paranaque, Las pinas at Cavite.

Isama pa ang riles, kung saan nakabalik na ang PNR sa biyaheng Caloocan hanggang De la Rosa Makati na ngayo’y paabutin pa ng Sangandaan at Malabon. Nandyan din ang pagsisimula ng North South commuter railway mula Clark, na tatawid ng Metro Manila hanggang Calamba, Laguna. Mga proyektong malaking solusyon sa Traffic at mas magandang karanasan ng mga commuters sa hinaharap.

Ikaapat ang libreng college education sa mga state colleges and universities, idagdag pa ang mga mayayamang local governments na merong libreng unibersidad tulad ng Makati, Maynila, Makati, QC at iba pa. Merong bagong napirmahang 20% discount sa mga estudyante sa lahat ng uri ng public transportation maging land-sea-air. Malaking kabawasan sa gastusin.

Ikalima, ang patuloy na AFP modernization para magkaroon tayo ng minimum credible defense sa ating 7,100 islands. Meron na tayong squadron ng FA-50 fighter jets, surface to air missiles, attack helicopters,warships, frigates, Coast guard patrol ships at magkakaroon ng “submarine” sa 2020.

Ang mga ito ang tanggap kong “success stories” ng Duterte administration.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang linggo naman ang limang kapalpakan ng kanyang administrasyon ang aking magiging paksa, abangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending