AANTABAYANAN ng mga kongresista ang magiging resulta ng breakfast meeting ng mga kongresista bukas sa gitna ng pahayag ni Pangulong Duterte na hindi sasama ang kanyang loob kung hindi ang napili niyang si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang mananalong speaker.
Iniumang pa ni Albay Rep. Joey Salceda ang posibilidad na magkaroon ng “dark horse” sa speakership race ngayong umaga.
“I would say na front-running pa rin si Cayetano. Pero tomorrow morning, baka may dark horse,” ani Salceda. May aabangan tayo bukas (Monday), definitely, kung Pulong can pull it.”
Nagapatawag ng breakfast meeting si presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte ngayong araw bago magbukas ang sesyon ng Kamara de Representantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.