Heaven Peralejo hinuthutan lang si Jimuel Pacquiao?

By Bandera July 21,2019
share this

Heaven Peralejo hinuthutan lang si Jimuel Pacquiao?

By Bandera July 21,2019
share this

HEAVEN PERALEJO AT JIMUEL PACQUIAO

Inalmahan ng Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo ang akusasyon ng netizens na hinuthutan lang daw niya ang panganay na anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel.

Balitang hiwalay na raw ang dalawa matapos nilang in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram. At dahil dito, na-bash nang bonggang-bongga si Heaven ng ilang followers ni Jimuel at sinabihan pa ngang “gold digger.”

Sa kanyang YouTube video, sinagot ng dalaga ang mga paratang sa kanya kung saan may pahaging pa siya ng posible ngang hiwalay na sila ni Jimuel. Kasama pa niya sa nasabing vlog ang kanyang best friend na si Jean Lacsamana at inang si Luanne Peralejo.

Isang netizen ang nagtanong ng, “How much money have you gotten from the Pacquiao’s so far?” Dito nagbilang muna si Heaven sa kanyang darili sabay sabing, “Hindi ko ma-compute kasi parang… (natawa).

Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung rumors and everything…I mean, I don’t get money from him. I mean, I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera.”

Hirit naman ng nanay niya, “At saka, hello, pag kayo ba nag-boyfriend kayo, kukuha ba kayo ng pera sa boyfriend niyo? Nagda-drugs ba kayo?”

Kung matatandaan, dinenay na rin noon ni Jimuel ang paratang kay Heaven na isa itong huthutera. Hindi raw ganu’ng klaseng babae ang kanyang girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending