Ruru may 2 hugot song na iri-release: Naiyak talaga ako
Dalawang single agad ang ilalabas ni Ruru Madrid dahil opisyal nang magsisimula ang kanyang music career matapos pumirma ng kontrata sa GMA Music.
Eh, bukod sa pag-arte, hilig din talaga ni Ruru and musika. Ayon sa actor, malaki ang impluwensiya ng kanyang pamilya sa interes niyang ito dahil karamihan sa kanila ay musikero.
“Ever since I started in show business, naging pangarap ko talaga na magkaroon ng kanta. This is my first love at nakakataba ng puso na ngayon, magkakaroon na ako ng sarili kong single,” saad ni Ruru.
Maglalabas ng dalawang kanta si Ruru at ito ay ang “Nawawala” na sinulat nina Kettle Mata at Enzo Villegas, at ang “Maghihintay” na composition naman ni Mark Atienza.
Habang nire-record ang kanta, sinabi ni Ruru na naging emotional siya dahil sinasalamin nito ang mga challenges na pinagdadaanan ng isang tao.
“Parehong may hugot ang dalawang kantang ilalabas ko at habang kinakanta ko sila, talagang naiiyak ako kaya siguradong lahat ay makaka-relate,” sabi ng Kapuso heartthrob.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.