Male star inatake ng matinding depresyon; naging pasaway, iniwan pa ng GF na aktres
AYON sa mga kuwento-kuwento ay inatake pala ng depresyon ang isang kilalang male personality kaya naging pasaway siya nitong mga huling araw.
Hindi raw madaling dalhin ang mga naganap sa kanyang personal na buhay. Ang pera ay kinikita pero ang pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay kailanman ay hindi na mapapalitan.
Kuwento ng isang source, “Sobrang depressed siya lately. Kahit naman siguro sino, kapag nawalan ng mga taong mahal sa kanila, e, dadaan din sa ganu’ng stage.
“Ang feeling niya kasi, e, wala na siyang kasama sa mundo, nag-iisa na lang siya, dahil nawala nga ang mga taong nakagisnan na niya mula nu’ng pagkabata pa niya.
“‘Yun ang naging dahilan kung bakit parang wala siya sa huwisyo nu’ng mga nakaraang months, para siyang nawalan ng ganang mabuhay, parang ayaw na niyang makipag-usap kahit kanino,” unang sultadang chika ng aming source.
May mga nagsasabing hindi naging maayos ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na artista rin.
Kinapos daw kasi ng tiwala ang female personality sa kanya, nainip sa sitwasyon nila, kaya nakipag-break na ito sa aktor.
Balik-chika ng aming impormante, “‘Yun ang mga kuwentong kumakalat, hindi naging supportive sa kanya ang girl, siya pa naman ang unang-unang dapat, e, umintindi sa sitwasyon ng boyfriend niya.
“Pero hindi ganu’n ang nangyari, instead, parang nainip ang girl, parang kinapos siya ng moral support sa guy, hanggang sa magkahiwalay na nga sila.
“Sabihin na nating naging pasaway nga ang male personality, e may pinanggagalingan naman siya kung bakit naging ganu’n ang sitwasyon. Ang masama, e, ‘yung naging pasaway siya nang walang kahit anong reason.
“Maayos na ngayon ang male personality, nakapag-move-on na siya sa pagkawala ng mga taong mahal na mahal niya. Nagising na siya sa katotohanan na ang mga taong mahal natin, e, hindi natin makakasama nang forever.
“Kung hinintay lang sana ng girl ang pagmu-move-on niya, natural lang namang nangyayari ang ganu’n, di sana, sila pa rin hanggang ngayon ganu’n ang win-win situation,” napapailing na pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.