Arci hiwalay na sa mayamang dyowa nang dahil sa tattoo? | Bandera

Arci hiwalay na sa mayamang dyowa nang dahil sa tattoo?

Reggee Bonoan |July 20,2019
facebook
share this

Arci hiwalay na sa mayamang dyowa nang dahil sa tattoo?

Reggee Bonoan - July 20, 2019 - 12:05 AM

ANTHONY NG AT ARCI MUÑOZ

“Hindi po. Nasa Ceviche (restaurant) pa sila nu’ng Tuesday, wala namang nasabi sa akin,” ang sagot sa amin ng Star Magic handler ni Arci Muñoz nang tanungin namin kung totoong hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Anthony Ng.

Nagpadala ng mensahe sa amim ang isang source kahapon ng umaga na naghiwalay na nga raw sina Arci at Anthony nitong Miyerkules lang.

Anong dahilan ng hiwalayan, “Pasaway kasi si Arci. Hindi natutuwa mga nakapaligid kay Anthony, kaya mukhang malabo na ang balikan.”

Sabi namin bakit kailangang makinig si Anthony sa mga taong nakapaligid sa kanila at kung mahal talaga niya si Arci, ipagtatanggool niya at ipaglalaban niya ang dalaga.

“Ang mga nakapaligid kay Anthony ay ang Sy family ng SM dahil matagal na siyang supplier nila at kaibigan,” kaswal na sagot sa amin.

Nagulat kami dahil nu’ng isang Linggo lang namin nakausap si Arci sa #PPPGrandLaunch2019 at ang saya-saya pa niya dahil nga supportive boyfriend daw si Anton at okay lang sa BF niya ang mga maiinit na eksena nila ni JC Santos sa pelikulang “Open” na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Set. 13-19.

Hindi kaya may kinalaman ang break-up sa panayam kay Arci ng Tonight With Boy Abunda kung saan inamin niya na may bago siyang tattoo at may piercing pa sa ilalim ng dila na ayaw na ayaw yata ng guy.

Hirit ulit ng aming source, “Pasaway nga kasi.”

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag nina Arci at Anthony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending