Fumiya Sankai pasok sa Big Night ng PBB Otso

By Bandera July 19,2019
share this

Fumiya Sankai pasok sa Big Night ng PBB Otso

By Bandera July 19,2019
share this

 

FUMIYA SANKAI

Pasok sa banga ang Japanese vlogger na si Fumiya Sankai matapos ibandera ni Big Brother na makakasama na rin siya sa Big Night ng Pinoy Big Brother Otso.

In fairness, love na love ng madlang pipol si Fumiya dahil sa ipinakita niyang kabaitan, positivity at pagiging disiplinado sa loob ng Bahay ni Kuya. Bentang-benta rin sa viewers ang friendship nila ni Yamyam Gucong na nauna nang nakapasok sa Big 4.

Si Fumiya ay mula sa second batch ng PBB Otso kung saan nakasama rin niya sina Lou Yanong at Andre Brouillette.

Sa pagpasok ni Fumiya sa Big Night, makakalaban niya sa pagiging Big Winner sina YamYam, Lie Reposposa, Ashley del Mundo at Kiara Takahashi.

Sa paglabas ng balitang ito, siguradong alam n’yo na kung sino pa ang nagdagdag sa mga housemates na makakasama sa pinakaaabangang Big Night.

Muling sasailalim sa matitinding challenge at task ni Kuya ang mga natitirang housemates at kung sino ang magwawagi sa laban ay siyang makakakuha ng spot sa PBB final otso.

Ang lahat ng mapipiling housemate na makakasama sa “Big Night” ang siyang maglalaban-laban at pagbobothan ng madlang pipol para tanghaling “Big Winner” ng PBB Otso. Kaya tutukan ang pagpapatuloy ng teleserye ng totoong buhay sa Primetime Bida after Sinong May Sala: Mea Culpa sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending