Tambalang Kris-Herbert sa pelikula aprub sa madlang pipol | Bandera

Tambalang Kris-Herbert sa pelikula aprub sa madlang pipol

Alex Brosas - July 18, 2019 - 12:30 AM


May kilig na dala ang sinabi ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista na “bakit hindi?” bilang tugon sa tanong kung puwede silang magsama sa movie ni Kris Something.

Sa ngayon kasi ay interested si Mayor Herbert na maging active uli sa showbiz matapos ang kanyang termino bilang mayor ng Quezon City.

In fact, kasama siya sa scriptwriting workshop ng veteran scriptwriter na si Ricky Lee.

Sari-sari ang reaction ng netizens. May kinilig, may nangutya at may na-excite.

“Wowww!!! Good to hear and know that! Yessss!!! Gogogogogogo!!!! Ms Kris Aquino! Hayaan mong mamatay ang mga bashers sa inggit/nanginginig ang mga laman-laman/ mga hihimatayin mas lalo yung mga down to earth sa inggit sa iyo! Hope matuloy ang movie nyo ni Herbert, wag nyo papansinin at iintindihin ang mga sinasabi ng mga tao dahil sa inggit yan, hihintayin namin ang movie mo Kris! We love you!”

“Ang title ng movie nila ay ‘Ibalik ang dating Kahapon’. Pwede kc di na busy si Bistek!”

“Hindi iyan mangyayari, alam ni Bistek babatikusin siya. Kokontra mga anakis ni Bistek, sigurado iyan.”

“Sana bumalik ka na sa showbiz, nagkakasakit ka kapag walang ginagawa. God bless Kris.”

“Sana po matuloy yang KrisTek project na yan. Siguradong blockbuster yan. Dapat romcom and family drama para pasukin ng mg tao sa sinehan! Maganda sana pang-MMFF para mas maraming mag-enjoy!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending