San Juan Knights–Exile kampeon sa CBA | Bandera

San Juan Knights–Exile kampeon sa CBA

Melvin Sarangay - July 17, 2019 - 08:06 PM

NAGDAGDAG ng panibagong korona ang San Juan Knights–Exile matapos nitong mapanalunan ang kauna-unahang Community Basketball Association (CBA)-Pilipinas National Championship.

Dinaig ng Knights ang Bicol champion Naga Waterborne, 80-77, sa kanilang winner-take-all Finals match para masungkit ang titulo sa harap ng kanilang mga tagasuporta sa San Juan gym noong Lunes.

Nanguna sina Judel Fuentes, Jhonard Clarito, Mike Ayonayon at Art Patrick Aquino sa paghulog ng mga clutch basket para sa Knights Exile na nagawang itakas ang panalo matapos sayangin ang 16 puntos na kalamangan.

Maliban sa pagkuha ng korona, nauwi rin ng koponang hinahawakan ni coach Randy Alcantara at pag-aari ni Joey Valencia ang P1-milyong prize money sa torneong inorganisa ni actor-director Carlo Maceda at inisponsoran ng Globe Telecoms, Spalding at Arceegee Sports Wear.

Nagtapos si Fuentes na may game-high 23 puntos, kabilang ang anim na triple, apat na rebound at tatlong assist sa 28 minutong paglalaro para pamunuan ang Knights.

Si Clarito, na bumida sa matagumpay na kampanya ng San Juan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, ay nagdagdag ng 17 puntos at siyam na rebound habang si Ayonayon ay nag-ambag ng 16 puntos, limang rebound at limang assist.

“We’re very happy to win the CBA title. The boys worked very hard for it,” sabi ni Alcantara, na nakatuwang si San Juan team governor Chris Conwi at coach Yong Garcia.

Si Aquino ay kumana naman ng 10 puntos at siyam na rebounds para sa San Juan, na inilatag ang pagharap sa Naga para sa national championship matapos talunin ang General Trias Braves.

Nanguna si Norman Torreno para sa Naga sa kinamadang 20 puntos.

Si Jio Lopez ay nag-ambag ng 13 puntos at anim na rebound habanag si Shareef Kim Saladdin ay nagtala ng 10 puntos, apat na assist at tatlong rebound para as Waterborne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending