'Tama ang pagpili ng EDDYS kay Kathryn bilang best actress!' | Bandera

‘Tama ang pagpili ng EDDYS kay Kathryn bilang best actress!’

Cristy Fermin |July 17,2019
facebook
share this

‘Tama ang pagpili ng EDDYS kay Kathryn bilang best actress!’

Cristy Fermin - July 17, 2019 - 12:45 AM

KATHRYN BERNARDO

Napakasarap na pabaon para kay Kathryn Bernardo ang pagwawagi niya bilang Best Actress sa katatapos lang na EDDYS bago ipalabas ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Alden Richards.

Lalong nagkaroon ng hugis ang husay niya sa pag-arte na mas napansin ng mas nakararami sa pelikula nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla sa “The Hows Of Us.”

Hindi na basta youngstar ngayon si Kathryn, hindi na basta kilig lang ang ambag niya sa pagiging artista, unti-unti nang nabibigyan ng pagpapahalaga ang kanyang pangarap.

Nanghihinayang si Kathryn dahil hindi siya nakahabol sa pagbibigay-parangal ng EDDYS. Tatlong mall tours kasi ang itinawid nila ni Alden nu’ng Linggo.

Mahabang panahon ang ginugugol nila sa bawat mall bilang promo para sa kanilang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na ipalalabas na sa July 31.

Ipinahahatid nina Kathryn at Tita Min ang mula sa pusong pasasalamat nila sa EDDYS, isang malaking karangalan para sa young actress ang Best Actress trophy na kusang-loob na iginawad sa kanya, mapagpahalaga sa mga ganitong pagkilala si Kathryn.

Komento ni Gayson Magdadaro, isang kasamahan namin sa TV5, “Sa mga kumukuwestiyon sa pagiging Best Actress ni Kathryn, e, kailangang panoorin muna nila ang movie kung saan siya nanalo!

“Napakagaling niya du’n, tama lang ang pagpili sa kanya ng EDDYS bilang pinakamahusay na aktres!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending