Alden saksi sa kabayanihan ng OFWs sa HK | Bandera

Alden saksi sa kabayanihan ng OFWs sa HK

Bandera - July 17, 2019 - 12:40 AM

ALDEN RICHARDS

Mas tumaas pa ang respeto ni Alden Richards sa mga OFW matapos gawin ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kasama si Kathryn Bernardo under Star Cinema.

Maraming natutunan ang Pambansang Bae sa halos isang buwan nilang pagsu-shooting sa Hong Kong kung saan mga OFW nga ang kanilang mga karakter. Dito nakasama nga nila ang mga tunay na OFW na naging inspirasyon nila sa pagbuo ng pelikula.

“Mari-realize mo lang talaga na blessed ka pa rin at blessed pa rin tayo, the people in the showbiz industry.

“We have a lot of kababayans who are working so hard abroad and away from their family. Kaya maswerte pa tayo at nakakauwi pa tayo sa mga mahal natin sa buhay araw-araw,” ang pahayag ni Alden sa isang panayam.

Isa pa sa talagang tumatak sa kanyang puso’t isipan ay ang pagiging masayahin ng mga OFW na kahit hirap na hirap na sa kanilang mga trabaho ay nagagawa pa ring ngumiti. Sa kabila ng matinding homesick na kanilang nararamdaman dahil nga malayo sila sa kani-kanilang pamilya, ay napaka-positive pa rin ng outlook nila sa buhay.

“What I’ve also learned in Hong Kong, especially kapag Pinoy, ‘yung saya talagang hindi mo matatanggal sa kanila e. ‘Yung kapag magkakasama sila, regardless kung ano ‘yung pinagdadaanan nila sa buhay, ngingiti’t ngingiti tayo, eh.

“So, ang sarap lang sa pakiramdam na ‘yung na-immerse kami for almost a month, kasama sila while doing the movie,” aniya pa.

Tunay ngang isang tribute ang “Hello, Love, Goodbye” para sa lahat ng mga kababayan nating nagpapakahirap sa ibang bansa para mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas.

“Upon watching matutuwa sila kasi nga we portrayed the roles of their everyday lives. Pero, siguro mas marami kaming na-take home na lessons being with them. So para po sa kanila talaga ito,” pahayag pa ni Alden.

Samantala, nga-yong gabi, magbabalik din si Alden sa Tonight With Arnold Clavio.

Sa muli niyang pagbisita sa TWAC, haharanahin ni Alden ang kanyang fans kasabay nang pag-invite na panoorin ang pelikulang inaabangan ng lahat, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Ikukuwento ni Alden ang ilang tagpo behind the scenes sa proyektong pinagsamahan nila ni Kathryn.

Sasabak din si Alden sa segment na “Hello o Goodbye” kung saan malalaman ng viewers ang mga bagay na game siyang gawin at alin naman ang mga bagay ang hinding-hindi nya gusto! Handa ba syang magpa-tattoo, gumanap ng sexy role at kung ano-ano pa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguradong kilig to the max na naman ang episode ngayong Miyerkules kasama si Alden, with Lovely Abella and Kakai Bautista sa Tonight with Arnold Clavio, 7:15 p.m. sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending