Juday-Coco movie pinaplano na | Bandera

Juday-Coco movie pinaplano na

Reggee Bonoan |July 17,2019
facebook
share this

Juday-Coco movie pinaplano na

Reggee Bonoan - July 17, 2019 - 12:05 AM

JUDY ANN SANTOS AT COCO MARTIN

ISA ang mommy ni Judy Ann Santos sa mga natuwa nang malamang inimbita ni Coco Martin ang anak para mag-guest sa top rating series nitong FPJ’s Ang Probinsyano. Nagsimula nang mag-taping si Juday nitong Lunes, Hulyo 15.

“Wala akong ideya kung anong role. Pero hindi naman siguro cameo lang,” sabi ni Mommy Carol nang makapalitan namin ng mensahe habang tinitipa namin ang balitang ito.

Maraming natuwang fans ni Judy Ann nang makita nila sa social media na pinasalamatan ni Coco ang ate Juday niya dahil pumayag itong mag-guest sa kanilang serye.

Nabanggit din namin kay Mommy Carol na sana’y magsama rin sa pelikula ang dalawa dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa sila nagkakatrabaho sa movie.

“Sana nga magka-movie sila. Kasi medyo hindi na kaya ni Juday, ang daming ginagawa. Busy pa sa Angry Adobo (restaurant) niya,” sabi pa ng nanay ng aktres.

Naniniwala kami na dahil sa magandang feedbacks ng paggi-guest ni Judy Ann sa Probinsyano ay mapag-uusapan din nila ni Coco ang magsama sa pelikula in the near future.

Kung matutuloy ang pagsagsama ng Hari ng Aksyon at Reyna ng Drama ng kanilang henerasyon sure kaming magiging big hit ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending