Jason Abalos maswerteng nakaligtas sa freak accident | Bandera

Jason Abalos maswerteng nakaligtas sa freak accident

Ambet Nabus |July 16,2019
facebook
share this

Jason Abalos maswerteng nakaligtas sa freak accident

Ambet Nabus - July 16, 2019 - 12:50 AM

JASON ABALOS

Bigla tuloy naming naalala ang masaya naming tsikahan ng kaibigan naming si Jason Abalos nu’ng makasama namin ito sa aming huling Gabay Guro Teacher’s Fest sa Metro Cauayan, Isabela.

Successful businessman na si Jason kung tutuusin, pero showbiz pa rin talaga ang main source ng kanyang kabuhayan.

At dahil may kasunduan na sila ng GF nitong si Vickie Rushton na bago mag-30 years old ang dalaga ay mag-settle down na sila as husband and wife, “Siyempre, dagdag sipag para makaipon,” sey nito sa amin.

Nagawa pa nitong biruin kami na sasagutin namin ang wedding cake nila kung sakali. Ha-hahaha!

Masayang-masaya si Jason sa kanyang pagiging Kapuso kahit pa nga minsan na rin niyang naranasan ang maaksidente sa set ng isang taping. Aniya, wala naman daw dapat sisihin sa nangyari.

Kuwento nito sa amin, “Mabuti na lang at mabilis din ang ayuda. Nag-offer pa sila (GMA 7 production unit) ng second opinion matapos kong ipa-X-ray ang ulo ko.”

Apparently, nasangkot din sa isang freak accident si Jason during a taping kung saan tinamaan ang ulo niya ng isang bakal na galing sa isang camera set-up.

Worried daw ang lahat sa nangyari lalo pa’t sariwa pa noon ang aksidente ni Tito Eddie Garcia.

Mabuti na lang daw talaga na walang matinding injury o damage na nangyari kay Jason maliban sa maliit na sugat na ngayo’y magaling na.

“Hindi ko pa lang siguro talaga oras,” ang nangingiti pang sey ng magaling na aktor sa amin na napapanood sa Kapuso teleseryeng Bihag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending