INAASAHANG magdadala ng pag-ulan ang bagyong Falcon habang papalapit ito sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay umuusad ng 20 kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran-hilagang kanluran.
May hangin ito na umaabot ang bilis sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 60 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga (Lunes) ito ay nasa layong 990 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Ngayong umaga (Martes) ito ay inaasahang nasa layong 830 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Sa Biyernes posibleng lumabas ng PAR ang bagyo kung hindi magbabago ang bilis at direksyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.