Sexy actress nagbabago ang image pag nasa bahay lang | Bandera

Sexy actress nagbabago ang image pag nasa bahay lang

Cristy Fermin |July 15,2019
facebook
share this

Sexy actress nagbabago ang image pag nasa bahay lang

Cristy Fermin - July 15, 2019 - 12:15 AM

SA kabila ng mga pamba-bash sa kanya sa social media ay nakakatulog nang mahimbing ang isang seksing female personality.

Maganda ang kanyang pananaw sa buhay, hindi siya nagpapaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao laban sa kanya, dahil masaya ang kanyang pamilya.

‘Yun ang napakagandang katangiang meron ang sexy personality, matibay ang pundasyon ng kanyang pamilya, punumpuno siya ng suporta at pagmamahal.

Kuwento ng isang kaibigan ng pamilya, “Nakakahanga si ____ (pangalan ng sexy actress), napaka-positive niya, hindi siya napipikon sa mga upak sa kanya kasi nga, e, punumpuno siya ng pagmamahal mula sa family niya.

“Very happy ang pamilya, pati ang mga relatives niya, todo ang suportang ibinibigay sa kanya. ‘Yun ang advantage kapag kilalang-kilala ka ng mga kadugo mo na mabuting babae ka, walang naniniwala sa mga pamba-bash sa kanya,” si-mulang kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang mang-imbita ng mga kaibigan ang pamilya ng sexy actress ay mas humanga pa sa kanya ang kanilang mga bisita.

Kuwento uli ng aming kausap, “Kabaligtaran siya ng napapanood natin sa TV na seksing-sexy kapag nasa bahay lang siya. Napakasimple lang niya, naka-t-shirt lang siyang white, ‘yung maluwag pa nga, saka pajamas.

“Pero ang seksing babae kasi, kahit duster na maluwag lang ang suot, sexy pa rin. Napaka-sexy pa rin niya sa outfit niyang simple. Siya ang nagse-serve sa mga bisita nila.

“Tumutulong siya sa mga trabahong bahay, naghuhugas pa nga siya ng mga plates, samantalang may mga maids naman sila. Nakakatuwa lang siyang tingnan dahil sa TV, sobrang sexy niya, pero sa bahay, para lang siyang ordinary girl.

“‘Yun ang maganda kung punumpuno ng love ng family ang isang artista. E, ito pa namang si sexy actress, puro educators ang mga nakapaligid sa kanya.

“Sabi nga ng mismong tita niya, sa tindi raw ng mga bashing na pinagdaanan nu’n ng sexy actress, idagdag pa ang pagkumpronta sa kanya nang harap-harapan ng isang female personality na nagseselos sa kanya, e, may mas titindi pa ba naman du’n?

“Kaya unaffected na siya ngayon sa mga bashing na kesyo siya ang dahilan kung bakit nag-break ang leading man niya sa TV series at ang matagal nang girlfriend nu’ng lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahanga-hanga talaga ang positive outlook sa buhay ng girl, maganda na siya, e, matalino pa, at very much secure sa kung ano siya,” kuwento ng kaibigan ng pamilya ng sexy actress.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino siya, kaya hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending