Alden may bagong proyekto para sa mga batang bulag; Pumayag lumusong sa baha
MABIBIYAYAAN ang mga batang bulag sa Northern Luzon sa project na “Avel X Alden”, ang bagong project ng local designer na si Avel Bacudio at ni Alden Richards.
“It’s a collaboration of Alden’s design and my execution. It’s very Alden. ‘Yung ginagamit ni Alden,” pahayag ni Avel nang makausap namin sa contract signing ng artist niyang si Jerome Ponce sa Regal Entertainment last Thursday.
Itataon ni Avel ang project sa kanyang birthday sa August kasama ang kanilang mga napiling beneficiary. Magaganap ito sa Baguio City sa Aug. 22.
Simula nang maging endorser ng isang local brand of clothing ang Pambansang Bae kung saan bahagi ng creative team ang magaling na desig-ner ay naging malapit na sila ni Alden.
“Doon kami naging close. Siguro mga seven years na. Hindi lang namin siya endorser, naging close friend ko siya,” saad niya.
Mahirap bang damitan si Alden? “No. Si Alden kasi, it’s okay kasi model size naman siya eh, so hindi kami nagkakaroon ng problema.
“Kapag sinabi niyang, ‘Pare, lumaki ako nang konti ako na nag-a-adjust. Hindi na namin kailangang mag-fitting kasi kabisado ko na lahat ang katawan niya,” tugon niya.
Bilang bahagi ng kanilang collaboration, isang fashion show ang katakda nilang gawin. Dedica-ted din sa fans ni Alden ang ilalabas na designs at very affor-dable din ang presyo.
Nu’ng shoot nila sa New York City, doon niya lalong nalaman ang kabaitan ni Alden.
“The first time na na-meet ko si Alden, mas mabait siya ngayon. Hindi siya nagbago.
“We shoot in New York. Eh, malamig kaya gusto ko nang tapusin pero siya okay lang. Imadyinin mo, basa lahat ang paa namin kasi super baha! Ang lakas ng ulan, ang lamig pero wala kang maririnig sa kanya!
“We shoot in Brooklyn Bridge. Doon ko talaga nakita na mabait siyang bata, na mabuting tao,” kuwento ni Avel sa tunay na ugali ni Alden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.