ISANG low pressure area ang posibleng maging bagyo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang LPA ay nasa layong 2,270 kilometro sa silangan ng Mindanao. Palalakasin nito ang Hanging Habagat.
Dahil nasa dagat pa lalakas pa ito at maaaring maging bagyo.
Pagpasok sa PAR ay makakaapekto na ito sa Luzon.
Sa kasalukuyan ay mas mababa na sa critical level ang Angat dam.
Ngayong araw, 159.69 metro ang lebel ng tubig sa Angat mas mababa ng 0.24 metro sa 159.93 metro na naitala noong Huwebes ng umaga.
Ang lebel ng tubig sa La Mesa dam ay 72.06 metro naman kahapon mula sa 72.16 metro noong Huwebes.
Ang dalawang dam ang pinanggagalingan ng suplay ng tubig sa Metro Manila. Sa kasalukuyan ay nagpapatupad ng rotational water service interruption o mahinang pressure ng tubig ang Manila Water at Maynilad dahil sa kakulangan ng tubig sa mga dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.