Sugar Mercado biglang nawala sa Wowowin, tinanggal o nag-resign? | Bandera

Sugar Mercado biglang nawala sa Wowowin, tinanggal o nag-resign?

Cristy Fermin - July 12, 2019 - 12:50 AM

SUGAR MERCADO AT WILLIE REVILLAME

May lumabas na kuwento na kaya nagpaalam bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin ang dancer-host na si Sugar Mercado ay dahil aalis na silang mag-iina papunta sa Amerika para du’n na manirahan.

Natural, maraming nagulat sa istorya, napakadali bang umalis ng bansa para manirahan na sa ibang lupain? Wala namang kuwento nu’n na inaayos na ni Sugar ang mga dokumento nilang mag-iina, hindi sila citizen ng Amerika, kaya hindi madaling paniwalaan ang kanyang kuwento.

Pero hindi naman pala kay Sugar mismo nanggaling ang ganu’ng senaryo, ikinowt lang daw siya, dahil ang totoo ay ang pag-aalaga at pagsubaybay sa kanyang mga anak na maliliit pa ang dahilan ng pagpapaalam niya sa Wowowin.

Matrabaho nga naman kasi ang pagkakaroon ng regular show, walang katiyakan kung kailan ang taping, hindi niya hawak ang kanyang oras.

Kuwento ng aming source, “E, maliliit pa ang mga anak niya, single mom si Sugar, kaya kailangan talagang hands-on siya sa pagpapalaki sa mga anak niya.

“Puwede niya namang ipaubaya muna sa mother niya ang pag-aalaga, saka sa mga maids, pero iba pa rin siyempre kapag mommy ang kasama ng mga bata.

“Maayos naman siyang nagpaalam kay Kuya Wil, wala namang problema, naintindihan naman ni kuya ang sitwasyon niya. Saka anytime na gusto niyang bumalik sa hosting, bukas pa rin ang game show para sa kanya,” kuwento ng aming kausap.

Sa totoo lang, propesyonal si Sugar Mercado, kahit marami siyang problemang personal nu’n ay naitatawid niya ang pagho-host na parang napakaayos ng sitwasyon ng kanyang lovelife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending