Maymay, Kakai, Lovely naloka sa hubo’t hubad na babae sa HK-spa

By Bandera July 12,2019
share this

Maymay, Kakai, Lovely naloka sa hubo’t hubad na babae sa HK-spa

By Bandera July 12,2019
share this

MAYMAY ENTRATA, KAKAI BAUTISTA AT LOVELY ABELLA

BENTANG-BENTA ang kuwento ng mga komedyanang sina Lovely Abella at Kakai Bautista tungkol kay Alden Richards sa nakaraang presscon ng pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Puring-puri ng dalawang aktres ang kabaitan at pagiging generous ng Pambansang Bae, lalo na noong nagsu-shooting sila sa Hong Kong na tumagal na halos isang buwan.

Ayon kay Lovely, hinding-hindi niya makakalimutan ang eksena nang minsang yayain daw siya ng leading lady sa movie ni Alden na si Kathryn Bernardo para mag-workout sa isang gym sa Hong Kong.

Kuwento ni Lovely, “In-invite ako ni Kath mag-workout, cycling-cycling daw. E, never pa po nararanasan ni Lovely na mag-cycling. Eto na, nilapitan ko si Alden. Sabi ko, ‘Ga, nag-i-imbita si Kath na mag-cycling. Kaya lang ‘Ga, mahal! 295 Hong Kong Dollars!'”

Agad daw sumagot si Alden at sinabing, “Ay, Ga! Sumama ka, bonding n’yo yan. Ito Ga, 500 Hong Kong Dollars.” Siyempre, tuwang-tuwa ang Kapuso comedienne dahil malilibre na siya sa gym.

Kaya naman niyaya niya agad ang co-star nila sa movie na si Kakai. Sabi naman ng tinaguriang Dental Diva, “Hindi ko na kaya, 40 na ako. Ang hirap-hirap ng spinning, tsaka nagtitipid tayo, Ga.”

Hirit naman ni Lovely, “May binigay na pera si Alden! Dagdagan mo na lang ng 100 Hong Kong Dollars!’” Napa-oo na rin daw si Kakai para makapag-bonding sila.

Marami pang funny and unforgettable experience ang mga girls ng “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong, kabilang na riyan si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata.

Tawa nga nang tawa si Kakai nang ikuwento rin ang nakakalokang experience nila sa isang spa sa HK kung saan talagang nawindang sila nang may isang babaeng foreigner din ang pumasok na hubo’t hubad.

Pigil na pigil nga raw ang kanilang pagtawa, lalo na si Maymay na first time yatang makakita nang hubo’t hubad na babae sa kanyang harapan sa tanang buhay niya. Chika pa ni Kakai, “At ito pa, as in wala siyang patumanggang humilata…magubat ang paligid! Ha-hahaha!”

Speaking of “Hello, Love, Goobye”, puro mga OFW ang role nina Alden, Kathryn, Kakai, Maymay at Lovely sa movie. Pagtatagpuin ang mga karakter nina Kath at Alden sa Hong Kong at mai-in love sa isa’t isa. Magsisimula ang conflict ng pelikula kapag nagkasunud-sunod na ang kanilang mga problema.

Kasama rin sa movie sina Jeffrey Tam, Joross Gamboa at Jameson Blake, sa direksyon ni Cathy Molina under Star Cinema. Showing na ito Goodbye simula sa July 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending