Aktres inurong ang kaso laban sa dyowa, mga kaibigan na-bad trip

By Cristy Fermin July 10,2019
share this

Aktres inurong ang kaso laban sa dyowa, mga kaibigan na-bad trip

By Cristy Fermin July 10,2019
share this

SUMUSUMPA ang mga kaibigan ng isang female personality na kapag lumapit uli sa kanila ang kilalang aktres para magpatulong ay hinding-hindi na sila kikilos.

Never again, sabi ng kanyang mga kaibigan, dahil minsan na niyang iniwan ang mga ito sa gitna ng laban. Sinsero ang kanilang pagtulong na binalewala lang ng pamosong female personality.

Kuwento ng aming source, “Marami siyang inabala nu’ng windang na windang siya sa personal life niya. Maraming kaibigan niya ang nagkani-kanyang galaw para siya matulungan.

“‘Yung iba, para siyang pasyenteng palaging binabantayan para meron lang siyang makausap palagi, malaking abala ‘yun sa mga kaibigan niyang nagtatrabaho, pero okey lang, may makasama lang siya.

“Ang isang friend niya namang nakagiginhawa sa buhay, e, kumuha ng mga abogado para sa kanya, probono ‘yun, wala siyang binayaran, ang kaibigan niya na ang sumagot sa lahat ng gastos para sa mga lawyers niya, sobrang laki ng ayudang ‘yun para sa kanya.

“Pero anyare?” unang chika ng aming impormanteng napapailing. Bakit bigla siyang iniwan ng kanyang mga kaibigan?

Ang unang nang-iwan sa laban ay ang kilalang female personality, nabalewala ang lahat ng tulong na ibinigay ng mga kaibigan niya, dahil umurong siya sa laban.

Kuwento uli ng aming source, “Alam mo ‘yun? Nalokah na lang ang lahat ng mga tumutulong sa kanya nu’ng makipagkasundo siya sa itinuturing niyang pinakamatinding kalaban?

“Yesterday! Nawalan ng saysay ang lahat ng tulong ng mga kaibigan niya dahil nanaig ang puso, ang pagmamahal, hindi na niya itinuloy ang kaso dahil sobrang mahal niya ang guy!

“Masayang-malungkot ang mga friends niya dahil sa nangyari. Masaya sila dahil nabuo uli ang pamilya ng female personality, pero nandu’n ang lungkot, dahil napakarami niyang inabalang tao!

“Kailan lang, e, mukhang problemado na naman ang girl, humihingi na naman ng tulong sa mga kaibigan niya, pero wala nang sumasagot sa kanya.

“Tama na raw ang isa, ayaw na nilang mapangalawahan pa, bahala na siyang magdepensa ngayon sa sarili niya! Sisikat pa kaya ang araw para sa lovelife ng girl? O palaging sunset na lang?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na kayo mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan n’yan, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending