ABS-CBN muling pinarangalan ng PH Best Employer Brand Awards; #AlagangKapamilya | Bandera

ABS-CBN muling pinarangalan ng PH Best Employer Brand Awards; #AlagangKapamilya

Bandera - July 10, 2019 - 12:25 AM

ABS-CBN recruitment marketing and sourcing head Paulo Tatad (ikatlo mula sa kanan) tinanggap ang award mula sa Employer Branding Institute

MULING hinirang ang ABS-CBN bilang isa sa natatanging mga kumpanya sa Philippine Best Employer Brand Awards dahil sa husay nito sa pangangalaga sa empleyado nito.

Sa ikalawang sunod na taon, pinarangalan ng Employer Branding Institute ang Kapamilya Network dahil sa maganda nitong pasweldo, benepisyo at oportunidad para sa mga empleyado nito, kaya naman marami ang gustong magtrabaho rito.

Dadagdag ang award na ito sa iba pang pagkilalang natanggap ng ABS-CBN para sa pagiging mahusay na employer.

Noong 2018, nasama rin ang Kapamilya network sa “Best Companies to Work For in Asia” ng HR Asia.

Noong 2011, pinarangalan din ang ABS-CBN sa Asia’s Best Employer Brand Awards na ginanap sa Singapore.

Ilang beses din itong napasama sa Jobstreet’s Top Companies that Employees Aspire to Work For list.

Tinanggap ni Paulo Tatad, ang head ng recruitment marketing at sourcing ng ABS-CBN, ang parangal sa ginanap na seremonya ng Employer Brand Institute sa Dusit Thani Manila sa Makati, kung saan ginawaran din ang ibang kumpanyang nakapagbibigay ng maayos na karanasan sa trabaho sa kanilang mga empleyado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending