Talent fee ni Karla lumelebel na nga ba kay Daniel?
BUONG pagmamalaking ibinandera ni Karla Estrada ang saya na kanyang naramdaman sa morning show na Magandang Buhay dahil sa bago niyang billboard for a clothing brand sa EDSA.
This may not be her first time na magka-billboard sa EDSA pero special ito para kay Karla. Bukod kasi sa solo lang siya sa billboard, sakto lang ang laki ng katawan niya sa suot na black dress with white ruffles sa dulo ng manggas.
Karamihan sa billboards ni Karla na nasa EDSA ay kasama niya ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Tuwang-tuwa siyempre pa ang mga kasamang host ni Karla sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa bagong achievement ng TV host-actress.
Feeling siguro ni Karla ay made na made na talaga siya bilang celebrity endorser at ‘di lang dahil sa nanay siya ni Daniel. At mukhang aabutan na rin niya si Daniel as one of the highest-paid celebrity endorsers sa bansa.
Incidentally, special guests sa Tuesday episode ng Kapamilya morning show ang Gold Squad ng seryeng Kadenang Ginto na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedalin at Francine Diaz.
Puna ng ilang nakapanood ng naturang episode, nakatutok daw nang husto ang mukha ni Karla kay Seth habang iniinterbyu ang ex-Pinoy Big Brother housemate kasama si Andrea. Baka raw sinisipat nang husto ni Karla kung true ba na malaki ang pagkakahawig ni Seth kay Daniel.
Hindi naman siguro nate-threaten si Karla na baka kabugin ni Seth ang kanyang very famous and rich son. Mukhang secure na secure na siya sa estado ng career sa showbiz ng anak pati na sa financial status ni Daniel.
Ang SethRea tandem na kaya ang sumunod sa trono ng KathNiel? Well, well, well, say nga ni Melai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.