Kris walang takot na sinagot kung sino kina James at Phillip ang ‘mas malaki’ | Bandera

Kris walang takot na sinagot kung sino kina James at Phillip ang ‘mas malaki’

Ervin Santiago |July 06,2019
facebook
share this

Kris walang takot na sinagot kung sino kina James at Phillip ang ‘mas malaki’

Ervin Santiago - July 06, 2019 - 12:30 AM

KRIS AQUINO, PHILIP SALVADOR AT JAMES YAP

PALABAN na rin ang Social Media Queen na si Kris Aquino sa pagsagot sa mga tanong ng netizens kahit na nga may malisya ito at medyo “for adults” only ang tema.

Ilang netizens kasi ang nag-comment sa Instagram post ni Kris kung saan makikita sa video ang bunsong anak na si Bimby na nagpapalit ng light bulbs sa kanilang kwarto.

Ayon kay Tetay, effortless ang pagkakabit ni Bimb ng ilaw sa kisame dahil napakatangkad na nito (5’10) sa edad na 12. Hindi na kasi nito kailangang gumamit ng patungan para maabot ang kanilang ceiling.

“Yes, genetics matter… But sleeping early and drinking milk are also vital to help achieve maximum growth,” ang caption ni Kris sa kanyang IG video.

Aniya, sa edad na 24 Joshua stands 6-foot-2, while Bimby is already 5-foot-10. Nakuha ni Joshua ang tangkad ng tatay niyang si Phillip Salvador habang si Bimb naman ay nagmana sa basketball star niyang ama na si James Yap.

Sa comments section ng IG post ni Kris, isang netizen ang nagtanong kung sino raw sa dalawang ex niya ang “bigger” na obviously ang tinutukoy ay ang private part nina James at Phillip.

Sagot ni Kris, wala na siyang planong makita uli ang tinutukoy ng netizen hanggang mamatay siya.

Ito ang matapang at diretsong sagot ni Kris sa naughty question ng kanyang IG follower, “Since wala na ‘kong balak na masilayan pa hanggang kamatayan — care bears na ‘di ba? Akala mo uurungan ko ‘yung tanong, ‘no?”

Maraming natawa at naaliw sa sagot ni Kris kaya bwelta ng kanyang followers sa “malisyosong” netizen, “Basag ka ngayon! Akala mo ha! In fairness, may class at sosyalin pa rin ang reply ni Miss Kris ha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending