Matteo hinamon si Daniel: Mag-join ka na rin sa Army, magtusok-ulo tayo
NIYAYA ni Army reservist P2Lt. Matteo Guidicelli ang kanyang kaibigang si Daniel Padilla na mag-join na rin sa Army reserve force.
Mismong sa harap ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada ay muling nanawagan on national TV ang binansagang “King of Hearts” na subukan din niyang mag-military training dahil sinisuguro niya na worth it ang magiging hirap at sakripisyo niya.
“So, bakit tinawagan mo si Daniel? Gusto mong isama ang anak ko diyan?” ang tanong ni Karla sa boyfriend ni Sarah Geronimo nang mag-guest ito sa Magandang Buhay kanina kung saan ibinahagi nga niya ang kanyang mga pinagdaanan sa military training.
“Oo nga, tinawagan ko si Daniel, Tita. Tinext ko siya, sabi ko, ‘Dan, DJ, I’m inviting you to join the Army Reserve Force,'” pag-amin naman ni Matteo.
Dagdag pa niya, “Not just you, but lahat ng mga kapwa-artista kong babae o lalaki, man. I’m inviting you to join the Army Reserve. It’s not for us, but it’s for our country, kumbaga.”
Pero sabi ng binata hanggang ngayon daw ay hindi pa siya sinasagot ng boyfriend ni Kathryn Bernardo, “Hindi pa nga (nagre-reply) eh. Busy pa yata siya.”
Kasunod nito, hinamon ni Matteo si Daniel na gawin ang tinatawag na tusok-ulo o ang traditional na ranger’s vow, “Actually ang tusok-ulo, it’s known to be a ranger’s vow. Kapag malas kami, kapag may kasalanan kami — halimbawa late sa formation — our ranger instructor will say, ‘tusok-ulo kayong lahat,'” chika pa ni Matteo.
“At saka ang training na ginawa ng mga ranger ay hindi ganu’n kadali, kaya deserve talaga nila na pakitaan natin ng appreciation,” aniya pa.
“O, DJ, Daniel Padila, tusok-ulo tayo ha, tusok-ulo challenge. Ide-dedicate natin ‘yan sa mga ranger. Kumbaga bigyan natin ng appreciation ba.” Na sinagot naman ni Karla ng, “Naku lagot anak, hinahamon ka.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.