Alden, Maine nabawasan na ang closeness; hindi na sweet sa Eat Bulaga | Bandera

Alden, Maine nabawasan na ang closeness; hindi na sweet sa Eat Bulaga

Jun Nardo - July 05, 2019 - 12:50 AM

KATHRYN BERNARDO, ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

VERY obvious na nabawasan na ang closeness nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Nakita namin ‘yon sa episode last Wednesday dahil kahit kapwa sila nasa APT Studios at magkasama sa isang segment, halatang civil na lang sila sa isa’t isa.

At least, napagtagumpayan nila ang paghihiwalay ng kanilang loveteam dahil going solo na ang career path nila.

Sinalo silang dalawa ng Star Cinema at Blacksheep Productions at sa ibang artista sila ipinareha. Umaariba na rin si Alden sa mga magazine cover habang si Meng eh, enjoy sa Daddy’s Gurl habang wala pang shooting ng movie nila ni Carlo Aquino.

Sa palagay namin, darating din ang panahon na magsasama sila sa isang movie.

Kasi kapag namayagpag nang husto ang solo career nina Alden at Maine, once pinagsama silang muli sa isang project siguradong sabog sa takilya ang bawat sinehan!

Nangyari na ‘yan sa loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Binuo, pinaghiwalay at pinagsamang muli matapos ang ilang taon kaya ang resulta, record-breaking talaga.

Hindi man napantayan ang Guy and Pip loveteam, may hukbo ng tagahanga ang tandem ng Pambansang Bae at Dubsmash Queen pati na ang individual fandoms nila.

Sabi nga, showbusiness is business, so bakit kailangang patayin ang loveteam na naging phenomenal ng ilang taon.

Pero sa ngayon nga, umaani ng papuri at magagandang feedbacks si Alden matapos ilabas ang trailer ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Positibo ang fans ng KathDen na magiging blockbuster ang una nilang movie together. Ngayon pa nga lang ay napakarami nang naka-schedule na block screening.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending