Jodi may hininging kundisyon kay Jolo kaya biglang naghiwalay? | Bandera

Jodi may hininging kundisyon kay Jolo kaya biglang naghiwalay?

Cristy Fermin |July 05,2019
facebook
share this

Jodi may hininging kundisyon kay Jolo kaya biglang naghiwalay?

Cristy Fermin - July 05, 2019 - 12:45 AM

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

May nangangamoy na ngang kasalan bago matapos ang taon sa pagitan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Angelica Alita. Naghanap na sila ng lugar sa Amerika kung saan nila gustong mabasbasan ang kanilang pagmamahalan.

Nalulungkot naman ang mga kababayan nating umasa na ang hahantong sa altar para pakasalan ng aktor-pulitiko ay si Jodi Sta. Maria. Totoo, wala nga namang garantiya ang haba ng panahon ng isang relasyon para masabing sila na talaga ang magkakatuluyan, may nagaganap pa ring aberya sa pagtakbo ng panahon.

Isang paningit na kuwento lang. May kaibigan kaming nakipagrelasyon nang labingdalawang taon sa kanyang boyfriend. Sa ikalabingtatlong taon nila ay saka nila naisipang magpakasal na.

Pero sa ikatlong buwan pa lang ng kanilang pagsasama ay nagkahiwalay rin sila, tatlong buwan lang ‘yun, kumpara sa mahigit na isang dekada nilang pagiging magkarelasyon nang walang basbas ng simbahan.

Mahirap ipaliwanag ang mga ganu’ng senaryo pero nangyayari. Sa isang pagkakataong akala nati’y maayos na ang lahat-lahat ay hindi pa pala. Sa hiwalayan pa rin ‘yun nauuwi.

Makahulugan ang naging pahayag ni VG Jolo na nagpapasalamat siya kay Angelica dahil minahal siya nito nang walang kundisyon. Marami tuloy ang nag-isip, ano kaya ang naging dahilan talaga ng paghihiwalay nila ni Jodi, may kundisyon kayang hiningi sa kanya ang aktres?

Sa pagkakaalam namin ay si VG Jolo ang nainip na sa kahihintay sa kasal ni Jodi kay Pampi Lacson na hindi pa rin napapawalang-bisa.

Harinawang maging maayos at masaya ang maging samahan nina VG Jolo at Angelica Alita sa pagdating ng napakaespesyal na araw sa kanilang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending